Slater Young at Kryz Uy, ibinahagi ang pinsalang tinamo ng kanilang bahay

Slater Young at Kryz Uy, ibinahagi ang pinsalang tinamo ng kanilang bahay

- Ang bahay nina Slater Young at Kryz Uy na tinawag nilang Skypod ay isa sa mga pinakapinag-usapang bahay ng mga celebrity sa bansa

- Bukod sa moderno nitong mga amenities, halos gawa ito sa salamin kaya hindi ito pangkaraniwan

- Gayunpaman, sa pananalanta ng Bagyong Odette hindi nakaligtas ang kanilang bahay sa pinsalang dulot ng malakas na bagyo

- Abot-abot naman ang pasalamat ng mag-asawa na hindi malala ang naging pinsala sa kanilang tahanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang vlog na ibinahagi ni Slater Young, pinakita niya ang naging pinsala ng pananalanta ng bagyong Odette sa kanilang bahay. Hindi nakaligtas ang Skypod sa malakas na hangin na dala ng bagyo.

Slater Young at Kryz Uy, ibinahagi ang pinsalang tinamo ng kanilang bahay
Slater Young (@thatguyslater)
Source: Instagram

Dahil gawa sa salamin ang malaking bahagi ng kanilang bahay, nabahala ang mag-asawang Slater at Kryz na maaring bumigay at mabasag ang mga salamin. Gayunpaman, ani Slater, inisip niya umano na ang pinakamahalaga para sa kanya ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Read also

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

Nagkaroon ng mga tagas at pumasok ang tubig ulan sa kanilang bahay. Ang kanilang anak na si Scott naman ay nasa silid lang niya at hindi na nakaramdam sa malakas na hangin. Ang mag-asawa naman ay namalagi sa walk-in closet ni Kryz.

Kinabukasan, pinakita naman ng mag-asawa ang karagdagang pinsala sa labas ng kanilang bahay. Nagkaroon ng butas ang kanilang bubong at isang sanga ng kahoy ang natangay at sumabit sa kanilang bubong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang naging reaksiyon ng mga netizens sa video na ibinahagi ni Slater:

Lets all be thankful that no one is hurt, that's it. Material things, mahahanapan ng solusyon yan, yung buhay natin pag nawala, wala na, kaya lets all be thankful. We can do this together.!
Grabe! Magpapasko pa man din. My thoughts and prayers are with you guys and to all the affected on this disaster. Bangon! Laban lang!

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Praying for you and your family to be able to recover quickly, sir Slater. And also for the rest of those that were hit by the storm.

Si Slater Young ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa mga PBB housemates kung saan siya ang hinirang ng big winner. Ikinasal siya sa influencer at vlogger na si Kryz Uy.

Kahit hindi na aktibo sa showbiz, nasusubaybayan pa rin ng kanyang mga tagahanga si Slater sa pamamagitan ng social media. Matatandaang ipinakita ni Kryz ang actual footage ng pangaganak niya sa panganay na anak nila ni Slater na pinangalanan nilang Scott Knoa Young.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel