Post ni Erik Santos kasama sina Moira Dela Torre, Catriona Gray at vlogger na si Nas Daily, viral

Post ni Erik Santos kasama sina Moira Dela Torre, Catriona Gray at vlogger na si Nas Daily, viral

- Mabilis na nag-viral ang larawan ni Erik Santos kasama sina Moira Dela Torre, Catriona Gray at vlogger na si Nas Daily

- Sa kanyang Instagram, pinasalamatan pa ni Erik si Nas Daily sa pag-imbita umano nito sa kanila

- Matatandaang naging kontrobersyal si Nas Daily dahil sa naging proyekto nito sa tattoo master na si Whang-Od

- Sa kabila ng naging kontrobersiya, marami naman ang natuwa sa larawan nina Erik kasama si Nas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan agad ang mga larawan nina Erik Santos, Moira Dela Torre, Catriona Gray kasama ang naging kontrobersyal na vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang si 'Nas Daily'.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Erik sa kanyang Instagram post ang kanilang mga larawang kuha umano sa bahay ni Nas.

Post ni Erik Santos kasama sina Moira Dela Torre, Catriona Gray at vlogger na si Nas Daily, viral
Erik Santos kasama si Nas Daily (@eriksantos)
Source: Instagram

Pinasalamatan pa ni Erik si Nas sa pag-imbita umano nito sa kanila sa kanyang tahanan Sa Dubai.

Read also

Mga Larawan nina Allan K at Ahron Villena na kuha umano sa Boracay, viral na

"Thank you so much @nasdaily for having us over to your gorgeous home"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng naging kontrobersiya ni Nas sa bansa kaugnay ng umano'y proyekto sana niya kasama ang tattoo master na si Whang-Od, marami naman ang natuwa sa larawan nina Erik kasama ang vlogger.

Katunayan, umabot na sa mahigit 4,000 hearts ang naturang post.

Matatandaang gumawa ng ingay noong Agosto ang YouTube content creator na si Nas Daily dahil sa umano'y 'di nila pagkakaunawaan sa pagsama ni Apo Whang-Od sa kanyang Nas Academy.

Ang Nas Academy ay isang programa ng Israeli vlogger na si Nuseir Yassin ng 'Nas Daily'.

Dahil dito, nakaapekto ito sa kanya at bumaba umano ang bilang mga subscribers ng vlogger na umabot na sa 400,000 ang nabawas ayon sa GMA News.

Read also

Collab nina Zeinab Harake at Alex Gonzaga, nakapagbigay ng Php160,000 sa proyekto ng isang guro

Lalo pa umanong naging mainit ang isyu nang lumabas ang isa ring Pinay na nakatrabaho umano ni Nas Daily, dalawang taon na ang nakalilipas. Sinabi ng founder ng 'Cacao Project' na si Louise De Guzman na dati umano siyang fan ng vlogger ngunit labis umano siyang nadismaya nang makatrabaho ito.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Nas Daily kaugnay sa isyu nila ni Whang-Od maging ang tungkol sa mga pahayag sa kanila ni De Guzman.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel