Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan

Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan

  • Pumanaw si Barbie Hsu, isang kilalang Taiwanese actress at TV personality, sa edad na 48 dahil sa komplikasyon mula sa trangkaso at pulmonya habang nasa Japan
  • Agad na bumalik sa Taiwan mula Thailand ang dating asawa niyang si WangXiaofei kasama ang kanyang bagong asawang si Mandy matapos mabalitaan ang kanyang pagpanaw
  • Sa pagdating nila sa Taoyuan Airport noong Pebrero 3, malalim na yumuko si WangXiaofei at nagmakaawang maging mahinahon ang media sa pagbabalita tungkol kay Barbie Hsu
  • Naging emosyonal siya sa harap ng media at sinabi niyang mananatili pa ring bahagi ng kanyang pamilya si Barbie Hsu

Matinding kalungkutan ang bumalot sa mundo ng showbiz matapos kumpirmahin ang pagpanaw ng sikat na Taiwanese actress at TV personality na si Barbie Hsu sa edad na 48. Ayon sa ulat, binawian siya ng buhay sa Japan dahil sa komplikasyon mula sa trangkaso at pulmonya.

Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan
Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan (@hsushiyuan/Instagram)
Source: Instagram

Matapos ang malungkot na balitang ito, agad na lumipad pabalik ng Taiwan ang dating asawa ni Barbie na si WangXiaofei, mula Thailand, kasama ang kanyang bagong asawang si Mandy.

Read also

Labi ni Barbie Hsu, ipapa-cremate sa Japan bago iuwi sa Taiwan

Nang dumating sila sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang tanungin tungkol sa kanyang pagbabalik sa Taiwan at posibilidad ng pagpunta sa Japan, umiling siya at hindi na sumagot. Sinabi naman niyang “She will always be my family.”

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, tuluyan nang isinapubliko ni Barbie at ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay. Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie at ng kanyang asawa Hunyo ng taong 2021.

Read also

Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa

Matatandaang mahigit tatlong buwan matapos ang kanyang divorce sa unang asawa, isinapubliko ng Taiwanese star ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mismong IG post ng South Korean rapper na si Koo Jun-yup.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate