Rob Moya, binigyan din ng singsing si Toni Fowler kalakip ng kanyang pangako

Rob Moya, binigyan din ng singsing si Toni Fowler kalakip ng kanyang pangako

- Para sa dating magkarelasyon na sina Toni Fowler at Rob Moya, pinipili nila ang forever

- Ito ay ang kanilang pagiging bestfriends habangbuhay at pangako umano nila ito sa isa't-isa

- Isang singsing ang binigay ni Rob nang sabihin nito ang kanyang pangako sa kanyang bestfriend

- Dahil may suot nang singsing ang isang kamay ni Toni, isinuot niya ito sa daliri ng kabilang kamay ni Toni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Rob Moya, nag-fail man daw siya bilang ama at bilang isang partner ngunit ayaw niya daw mag-fail bilang bestfriend ni Toni. Binitawan niya ang pangakong ito sabay ng pagbigay niya ng promise ring kay Toni.

Rob Moya, binigyan din ng singsing si Toni Fowler kalakip ng kanyang pangako
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Pinangako niyang lagi siyang naroroon para kay Toni at kay Tyronia. Palagi umano niyang susuportahan si Toni kahit anuman ang mangyari.

Masaya naman umano si Toni na nagkaroon sila ng closure ni Rob matapos ang lahat ng nangyari sa kanila. Alam niya umanong masaya si Rob para sa kanila ni Vince dahil alam niya umanong hindi gagawin ni Rob na kausapin siya kung hindi ito masaya sa kanila.

Read also

Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"

Hiling din ni Toni na maging masaya na rin si Rob at sana ay maayos na lahat sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers ni Rob:

Hala! Naiyak ako akala ko tadhana pinapanood ko Vlog Lang pala. Napakabait ni Momi Oni always nag bibigay ng Chance for Kuya Rob. Sana mananatili young friendship ninyo. Salute din kay Kuya Vince the new BF ni Momi Oni
Since may official closure na kayo. Limitahan mo pa din rob, know your limitation pa din po. Respect sa relationship ni tito vince and mommi oni. Move forward na po, and tuloy lang ang buhay.
I felt Rob's pain and I hope that you'll heal soon❤everyone deserves to be happy and that includes you Rob pero sadly hindi na with Mommy Oni. Don't be afraid to love again

Read also

Rob Moya at Toni Fowler, nagkaiyakan nang muling magkausap

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel