Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"

Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin patungkol sa nagawa kamakailan ni Frankie Pangilinan na pagprotesta sa Comelec

- Aniya, nagulat siya sa nangyari at naisip niya agad ang reaksyon ng ina nitong si Sharon Cuneta

- Ibinahagi rin ni Cristy ang pagtataka niya gayung ang lolo ni Frankie na namayapang si Pablo Cuneta na tanging hindi natanggap sa posisyon sa panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr.

- Tila hindi raw muna ito inalam ni Frankie na nagbitiw ng salitang hindi umano siya papayag na "Ferdinand Marcos" muli ang pangalan ng magiging susunod na pangulo ng bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mainit ang naging diskusyon nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa bagong episode ng Showbiz Now Na! kung saan binigyang komento nila ang pagsama ni Frankie Pangilinan sa Comelec.

Read also

Cristy Fermin sakaling makausap si BBM: "May papaalala lang ako sa kanya, Simon & Garfunkel"

Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"
Frankie Pangilinan (Photo: @kakiep83)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa naging resulta ng Halalan 2022 kung saan malaki ang naging lamang ni dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pumangalawa sa kanyang si Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.

Isang araw matapos ang eleksyon, isa umano si "Kakie" sa mga nagtungo ng Comelec upang ibulalas ang kanyang saloobin sa naganap na Halalan.

"Really, this election was bought a long, long time ago... I am not going to have my president be named 'Ferdinand Marcos' again, ever!" ang bahagi ng naging pahayag ni Frankie habang nagra-rally sa Comelec.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, naalarma si Cristy na hindi inaasahan sa nagawa na ito ni Frankie na tila hindi raw inalam ang kwentong pulitika ng lolo nito na si namayapang dating alkalde ng Pasay na si Pablo Cuneta.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

"Kung babalikan po natin ang kasaysayan ng rehimeng Marcos, tanging si Mayor Cuneta ang hindi natanggal sa kanyang posisyon."
"Hindi po niya nabalikan 'yung nakaraan na si Ka Ambo ay ama ng kanyang ina, ang kanyang ina na si Sharon Cuneta ay anak siya. So 'pag pinagkawig-kawig po ang impormasyon, lumalabas na wala nang research, wala pang utang naloob itong batang ito."

Narito ang kabuuan ng komento ni Cristy mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, nabigyang puri ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel