Cristy Fermin sakaling makausap si BBM: "May papaalala lang ako sa kanya, Simon & Garfunkel"

Cristy Fermin sakaling makausap si BBM: "May papaalala lang ako sa kanya, Simon & Garfunkel"

- Inaalala ni Cristy Fermin ang umano'y bagay na napagkasunduan nila ng ngayo'y presumptive president na si Bongbong Marcos

- Aniya, nagkasundo sila sa musika at nalaman niya ito nang minsang makasama niya ang mga Marcos sa imbitasyon sa kanya ni Senator Imee

- Naikwento din ni BBM ang pagbili niya ng mga album ng duo na Simon & Garfunkel

-Ayon kay Cristy, isa umanong musikero si BBM na marunong tumugtog ng ilang musical instruments

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ni Cristy Fermin ang pagkakataong nakasalamuha niya ang ngayo'y nangunguna sa presidential race na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Sr.

Cristy Fermin sakaling makausap si BBM: "May papaalala lang ako sa kanya, Simon & Garfunkel"
Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa programa niyang ShowBis Now Na!, natanong siya ng isa niyang kasama na si Morly Alinio ng kung ano ang mensaheng mabibigay nito kay BBM na inaasahang manunumpa na bilang susunod na pangulo ng bansa.

Read also

Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"

"Kasi isang araw, nananghali kami ni Senator Imee, ako at mga kaibigan, tumunog 'yung telepono ko. Simon and Garfunkel kasi. Sabi niya 'Ay, I love the duo.'"
"Sabi niya [BBM], I was in London. Narinig ko 'yung Mrs. Robinson, bumili ako. But when they did 'Bridge over troubled water', lahat ng pera ko ipinambili ko ng album nila. So magkakampi kami."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Musikero kasi si Bonget. Musikero siya nagsa-sax siya naggi-gitara. Kahit 'yung mga anak niya sina Simon... Naggigitara sila."

Narito ang kabuuan ng kwento ni Cristy mula sa Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Read also

Rob Moya, binigyan din ng singsing si Toni Fowler kalakip ng kanyang pangako

Kamakailan, nabigyang puri ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel