Rob Moya at Toni Fowler, nagkaiyakan nang muling magkausap

Rob Moya at Toni Fowler, nagkaiyakan nang muling magkausap

- Matapos niyang sagutin si Vince Flores, binigyan ng pagkakataon ni Toni Fowler si Rob Moya na makausap siya

- Nag-usap sila sa sasakyan at hindi nila napigilang maging emosyonal habang binabalikan ang mga nangyari

- Sinabi ni Toni na nais niyang ma-realize ni Rob na noong panahong pinipilit niyang ayusin nila ang kanilang relasyon ay ayaw niyang dumating ang panahon na manghinayang sila

- Kahit nagsisi ay masaya umano si Rob para kay Toni at sa bago nitong karelasyon na si Vince

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa muli nilang pag-uusap, nakapagpatawaran na sina Rob Moya at Toni Fowler. Hindi nila napigilang maging emosyonal habang binabalikan ang mga nangyari.

Rob Moya at Toni Fowler, nagkaiyakan nang muling magkausap
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Binanggit ni Toni na noon umano ay pinilit niya si Rob na ayusin muna nila ang kanilang relasyon dahil ayaw niyang dumating sa kanila ang pagkakataon na panghinayangan nila na hindi nila pinaglaban ang kanilang relasyon.

Read also

Rob Moya, binigyan din ng singsing si Toni Fowler kalakip ng kanyang pangako

Nagkataon lang umano na huli na ito na-realize nia Rob at hindi sila nagkasabay ng realization ni Toni. Kahit nagsisi ay masaya umano si Rob para kay Toni at sa bago nitong karelasyon na si Vince.

Ayon naman kay Toni, gusto din ni Vince na makausap niya si Rob ngunit hindi lang ito makalabas dahil bagong opera lang ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang marami ang nakaabang sa magiging reaksiyon ni Rob Moya sa pagsagot ni Toni kay Vince.

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya muling magpapaloko kagaya noong nangyari dati.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel