Kampo ni BBM sa Angat Buhay NGO ni VP Leni: "Karapatan ng lahat na mag-organisa"

Kampo ni BBM sa Angat Buhay NGO ni VP Leni: "Karapatan ng lahat na mag-organisa"

- Nahingan ng pahayag ang spokesperson ni presumptive President Bongbong Marcos kaugnay sa ilulunsad na programa ni outgoing president Leni Robredo

- Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, karapatan nino man ang mag-organisa

- Matatandaang noong Thanksgiving rally ng 'Leni-Kiko tandem' inanunsyo ni Robredo ang paglulunsad ng Angat Buhay Foundation

- Ito ang maituturing na pinakamalaking volunteer network sa bansa at wala umano silang pipiliin na tutulungan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala raw umanong magiging problema sa kampo ni presumptive President Bongbong Marcos patungkol sa Angat Buhay Foundation na ilulunsad ni Vice President Leni Robredo sa Hulyo 1.

Kampo ni BBM sa Angat Buhay NGO ni VP Leni; "Karapatan ng lahat na mag-organisa"
Photo: Bongbong Marcos
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na isa ito sa naitanong sa kanyang spokesperson na si Atty. Vic Rodriguez sa panayam dito ng Teleradyo, ABS-CBN News.

"Okay naman 'yun. Karapatan naman ng lahat ng tao mag-organisa at kung anumang layunin nila. Basta't ang amin, 'yung ating mga kalayaan may kaakibat na responsibilidad,"

Read also

Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"

"For as long as you are exercising your rights within the bounds of the law, sa tingin ko, rerespetuhin 'yan ng kahit sinong demokratikong pamahalaan at pamumuno kagaya ng incoming president Bongbong,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Atty. Rodriguez:

Mayo 9, 2022 nang maganap ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali sa pagka-pangulo na si Vice President Leni Robredo. Ilang araw ang lumipas, umabot sa 31 million ang boto ni Marcos habang si Robredo ay nasa 14 million naman.

Samantala, inanunsyo ng outgoing vice president ang paglulunsad niya ng Angat Buhay Foundation NGO na magaganap umano sa Hulyo 1.

Read also

Bongbong Marcos, pinasalamatan ang world leaders na nagpaabot sa kanya ng pagbati

Sa Thanksgiving rally ng mga kaalyado niya noong Mayo 13, sinabi ni Robredo na ang naturang foundation ang maituturing na pinakamalaking voulunteer network sa bansa.

Aniya, wala umano silang pipiliin na taong tutulungan basta't dumulog sa kanila, aalalay sila sa abot ng kanilang makakaya.

Sa naturang pagtitipon din noong Mayo 13 na ginanap sa Ateneo de Manila University, hindi naiwasang maging emosyonal ng mga celebrities at performers. Ilan sa kanila ay sina Jolina Magdangal at ang singer/songwriter ng awiting 'Rosas' na si Nica del Rosario na halos hindi natapos ang kanilang pagtatanghal.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica