Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

- Emosyonal na nagbigay mensahe si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga PPCRV volunteers

- Karamihan sa mga volunteers ay pawang mga kabataan na aniya'y hindi nila maaring bayaran

- Naiiyak niyang sinabi na tanging ang Diyos lang ang makapagbabayad sa mga kabataang ito at alam nito ang kanilang mga sakripisyo

- Kamakailan, humingi na ng tulong na pagkain ang PPCRV dahil sa dumarami nilang volunteers na nagsasagawa ng manual counting sa command center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maluha ni Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan habang nagbibigay mensahe sa mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers
Photo: COMELEC
Source: Facebook

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabing na-inspire umano si "Fr. Soc" sa volunteers na pawang mga kabataan.

"PPCRV volunteers, hindi namin kayo puwedeng bayaran, hindi namin kayo kayang bayaran because only God can pay you," emosyonal na pahayag ni Archbishop Villegas.

Read also

Cristy Fermin sa protesta ni Frankie Pangilinan sa Comelec: "Hindi ko inaasahan ito, Diyos ko!"

"And God knows your sacrifices. And the Lord knows everything. And the Lord knows the good hearts of these young people. They're so young, they're so heroic, they're so generous and I'm really touched and inspired," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan, dahil sa dagsa ng mga volunteers sa command center humingi ng tulong na mga pagkain ang PPCRV para sa mga tumutulong na mag-manual counting para pa rin sa katatapos lamang na eleksyon.

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Read also

Kampo ni BBM sa Angat Buhay NGO ni VP Leni:"Karapatan ng lahat na mag-organisa"

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Samantala, nanguna naman sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla. Kasama niyang pumasok sa Magic 12 sina Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Estrada Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica