Manny Pacquiao, nag-concede na; may mensahe rin para kay BBM

Manny Pacquiao, nag-concede na; may mensahe rin para kay BBM

- Nag-concede na at tinanggap na ni Senator Manny Pacquiao na hindi siya pinalad na maging susunod na pangulo ng bansa

- Sa kabila nito, hangad niya umano ang tagumpay ng susunod na administrasyon

- Maging si dating senador Bongbong Marcos ay binigyan niya ng mensahe at inihabilin pa niya rito ang mga kababayan nating mahihirap

- Gayunpaman, hindi pa rin daw titigil si Pacquiao sa adbokasiya niyang makatulong sa mga kababayan nating naghihikahos sa buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinanggap na umano ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang pagkatalo sa pagtakbo bilang susunod na pangulo ng bansa.

Manny Pacquiao, nag-concede na; nanalangin para sa tagumpay ng susunod na administrasyon
Photo: Manny Pacquiao
Source: Facebook

Sa kanya mismong social media, nag-post ng maiksing video ng pasasalamat at paghabilin si Senator Manny.

"Bilang boxer at atleta, marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Sana lang, kahit talo ako sa laban na ito, oanalo pa rin ang kapwa ko Pilipino. Huwag po kayong mawalan ng pag-asa dahil hinding-hindi po tayo pababayaan ng ating Panginoon."

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na todo ang suporta sa kanya sa kanyang kandidatura.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At maging ang katunggali niya sa pagka-pangulo na si Bongbong Marcos ay binigyan ng mensahe.

"Sa ating susunod na pangulo, Bongbong Marcos, ako ay nananalangin sa tagumpay ng iyong administrasyon."
Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe:

Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Read also

VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan

Matatandaang una nang sumalang si Senator Manny sa Presidential Interviews ni Jessica Soho noong Enero 22. Bukod kay Pacquiao, nagpaunlak din sina Senator Ping Lacson, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo noong nakaraang taon, nailahad na niya ang tinawag niyang '22-round agenda' sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica