Mommy Dionisia, nag-alala kay para kay Manny; "Baka maubos ang kwarta"
- Isa si Mommy Dionisia Pacquiao sa mga nagsalita sa proclamation rally ng anak na si Senator Manny Pacquiao
- Nabanggit niyang nag-alala umano siya na baka maubos ang pera ng anak ngayong tumatakbo naman ito sa pagiging Pangulo
- Nagbiro pa ito na kung dati'y sako-sako ang nawalang pera sa kandidatura, ngayong pagiging presidente na ng buong Pilipinas ang ninanais nitong posisyon, baka mas malaki pa sa mga bariles ng tuna sa Gensan ang dami ng maubos na pera
- Maging ang anak niyang si Manny ay natawa na lamang sa mga nasabi ng kanyang ina na todo ang suporta sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa si Mommy Dionisia Pacquiao sa mga nagsalita sa proclamation rally ng anak na si Manny Pacquiao sa Oval Plaza Grandstand ng General Santos City noong Pebrero 8.
Nalaman ng KAMI na isa sa mga nagpaingay sa mga dumalo ay nang sabihin ni Mommy Dionisia na nangangamba siyang maubos ang pera ng anak ngayong tumatakbo naman ito sa pagka-pangulo ng bansa.
Inalala niya ang unang pagkakataon na pumasok si Manny sa pulitika sa Gensan kung saan 'sako-sakong' salapi na raw ang naubos ng anak.
"'Nung tumatakbo pa siya for the first time dito sa General Santos, umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Pansin daw ito ng kanyang mga amiga at nag-alala rin daw na maubos ang kanilang kwarta.
"Sabi pa ng mga amiga ko, 'Mommy, ang anak mo bigay nang bigay ng pera. Baka maubos ang kuwarta!'"
Kaya ngayong pinakamataas na posisyon sa bansa na ang nais na makamit ng anak, nagbiro si Mommy Dionisia na baka mas malaki pa sa tuna ng Gensan ang maubos na namang pera ng kanyang anak.
"Tapos ito presidente na, sabi ko ‘Manny, iba na talaga to kasi buong bansa na, mas malaki pa sa bariles ng GenSan!"
Maging si Senator Manny ay natawa na lamang sa mga nasabi ng ina na todo-todo naman ang suporta sa kanya.
Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.
Matatandaang una nang sumalang si Senator Manny sa Presidential Interviews ni Jessica Soho noong Enero 22. Bukod kay Pacquiao, nagpaunlak din sina Senator Ping Lacson, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo noong nakaraang taon, nailahad na niya ang tinawag niyang '22-round agenda' sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Source: KAMI.com.gh