Manny Pacquiao, sumakay ng PNR patungo sa ilang pagtitipon sa Maynila

Manny Pacquiao, sumakay ng PNR patungo sa ilang pagtitipon sa Maynila

- Sumakay ng PNR si presidential candidate Manny Pacquiao patungong Maynila

- Mula sa istasyon ng Buendia/Gil Puyat, sumakay si Pacquaio sa tren papuntang Maynila para sa ilang pagtitipon ng kanyang mga tagasuporta

- Mapapansing nagulat ang ilang mga bumaba ng tren nang makitang si Pacquiao naman ang papasok para makasakay

- Matatandaang sa Oval Plaza Grandstand ng General Santos City ginanap ang proclamation rally ni Pacquiao noong Pebrero 8

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Namataang sumakay ng PNR train si Senator Manny Pacquiao noong Pebrero 16.

Nalaman ng KAMI na mula sa PNR station sa Buendia/Gil Puyat, sumakay ang presidential candidate patungo sa Maynila kung saan mayroon siyang ilang pagtitipon sa kanyang mga tagasuporta at isa na rito ay ang mga vendors association representative sa Sta. Mesa.

Manny Pacquiao, sumakay ng PNR patungo sa ilang pagtitipon sa Maynila
Manny Pacquiao, sumakay ng PNR patungo sa ilang pagtitipon sa Maynila (Photo: Manny Pacquiao)
Source: Facebook

Mapapansing tila nagulat ang mga lumabas sa tren nang makita nilang si Pacquiao naman ang papasok at sasakay.

Read also

Ka Leody de Guzman sa kung bakit siya ang dapat iboto bilang pangulo: "Hindi ako magnanakaw"

Bukod sa grupong kasa-kasama ni Manny, halos mapuno din ang tren sa media na kanila ring kasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video na ibinahagi ng Daily Tribune:

Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Matatandaang una nang sumalang si Senator Manny sa Presidential Interviews ni Jessica Soho noong Enero 22. Bukod kay Pacquiao, nagpaunlak din sina Senator Ping Lacson, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang Quezon City sa ginanap na Pink Sunday rally

Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo noong nakaraang taon, nailahad na niya ang tinawag niyang '22-round agenda' sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan ay nag-viral naman ang video ng kanyang ina na si Mommy Dionisia na nagsalita sa kanyang proclamation rally. Nag-aalala umano ang ina na baka maubos ang pera ng anak ngayong tumatakbo naman ito sa pagka-pangulo. Inalala niya ang unang pagkakataon na pumasok si Manny sa pulitika sa Gensan kung saan 'sako-sakong' salapi na raw ang naubos ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica