Toni Fowler, pinakita ang proceso ng Alarplasty na ginawa sa kanya

Toni Fowler, pinakita ang proceso ng Alarplasty na ginawa sa kanya

- Sa kanyang bagong YouTube video, binahagi ni Toni Fowler ang kanyang pagpaparetoke uli ng kanyang ilong

- Hindi umano ito kagaya ng naunang operasyon na ginawa sa kanya dahil pinaliit lamang nang konti ang kanyang ilong

- Habang ginagawa ang prosesong Alarplasty sa kanya ay nakikipag-usap pa ito sa doktor na gumagawa sa ilong niya

- Pinakita din nito ang kinalabasan ng kanyang pagpaparetoke matapos ang ilang araw mula nang magpagawa siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nagparetoke si Toni Fowler ng kanyang ilong. Sumailalim siya sa proseso na kung tawagin ay Alarplasty at pinakita niya sa kanyang bagong video ang prosesong ginawa sa kanya.

Toni Fowler, pinakita ang proceso ng Alarplasty na ginawa sa kanya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Hindi umano ito kagaya ng naunang operasyon na ginawa sa kanya dahil pinaliit lamang nang konti ang kanyang ilong. Makikita sa kanyang vlog ang tahi sa gilid ng kanyang ilong ngunit hindi umano ito kasing sakit ng una niyang mga naging operasyon.

Read also

Darryl Yap, sa umano'y pahayag ni VP Leni ukol sa pagkatalo; "Tama na po"

Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya rin ang picture nila ng doktor na ilang beses nang gumawa sa kanyang mga pagpaparetoke.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling bahagi ng video niya ay sinabi ni Toni na sana ay naging informative ang kanyang video para sa mga taong nagbabalak na magpagawa din ng kagaya sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang viewers:

I love the way you are mameh Oni,napaka natural Ng attitude mo Kung ano Ka talaga pinapakita mo Lang Yung totoong ikaw hayaan mo Lang Yung mga bashers mo importante ginagawa mo Lang Kung saan Ka po sasaya
Kakaiba to grabe! Sobrang confident ni doc yappy. Ang brave naman this ghurl! Gora lang mameh. Kung saan ka masaya, masaya na din ako para sayo.

Read also

Derek Ramsay, kinaaliwan sa kanyang Mother's Day cake para kay Ellen Adarna

Grabe mommy naka daldal pa habang inooperahan. Love you Po mommy Oni

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel