Derek Ramsay, kinaaliwan sa kanyang Mother's Day cake para kay Ellen Adarna

Derek Ramsay, kinaaliwan sa kanyang Mother's Day cake para kay Ellen Adarna

- Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Ellen Adarna ang natanggap na cake para sa Mother's Day

- Mula ito sa kanyang mister na si Derek Ramsay at kinaaliwan ito dahil patungkol ito sa pagpapatanggal niya ng kanyang implants

- Inilagay din ni Derek ang nakuhang implants kay Ellen at nilagay sa kanya habang pabirong sumasayaw

- Binahagi ni Ellen ang tungkol sa pagpapatanggal niya ng implants na aniya ay naging malaking ginhawa sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram story ang kakaibang cake na natanggap niya para sa Mother's Day. Mula ito sa kanyang mister at nataon din ito sa pagpapatanggal niya ng kanyang implants.

Derek Ramsay, kinaaliwan sa kanyang Mother's Day cake para kay Ellen Adarna
Photo: Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Inilagay din ni Derek ang nakuhang implants kay Ellen at nilagay sa kanya habang pabirong sumasayaw. Binahagi ni Ellen ang tungkol sa pagpapatanggal niya ng implants na aniya ay naging malaking ginhawa sa kanya.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Marami ang naaliw sa mag-asawa hindi lamang sa pagiging natural ng mga ito kundi sa kanilang biruan at kulitan na kadalasan ay nauuwi sa bawian ng pang-aasar at prank.

Hindi man aktibo sa mundo ng showbiz ay kapwa nasusubaybayan ng kanilang mga tagahanga ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa katunayan ay mayroon na ring YouTube channel ang mag-asawa ngunit ilang buwan na rin mula nang hindi na nakapagbahagi ng bagong content ang dalawa.

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Matapos ang paghihiwalay nina Ellen at John Lloyd, naging karelasyon ni Ellen si Derek Ramsay at kinalaunan ay kinasal sila. Kamakailan ay umani ng komento at mga reaksiyon ang picture nila Derek at Ellen na natutulog. Buong pagmamalaki ding sinabi ni Derek na talagang maswerte siya sa kanyang maybahay.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel