Gab Valeniano, game na nakipag-showdown sa sayawan sa kanilang H2H campaign

Gab Valeniano, game na nakipag-showdown sa sayawan sa kanilang H2H campaign

- Ibinahagi ni Gab Valenciano ang isang video na kuha sa kanilang pangangampanya sa Divisoria sa Manila

- Makikita dito ang pagpapakitang gilas sa sayawan ng isang lalaki kasabay na rin ni Gab

- Hindi rin kinaligtaan ni Gab ang kanyang chant na talaga namang bumibenta na sa publiko

- Marami sa mga tagasuporta ni VP Leni Robredo ang natuwa sa pinapakitang kasipagan ni Gab sa pangangampanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghiyawan ang mga tao nang nakipag-showdown sa sayawan si Gab Valenciano habang nasa house to house campaign. Makikita sa kanyang binahaging video ang pagpapakitang gilas sa sayawan ng isang lalaki kasabay si Gab.

Gab Valeniano, game na nakipag-showdown sa sayawan sa kanilang H2H campaign
Gab Valeniano (@gabvalenciano)
Source: Instagram

Matapos ang kanilang bigay-todong showdown, hindi kinaligtaan ni Gab ang kanyang chant na talaga namang bumibenta na sa publiko.

Marami naman sa mga tagasuporta ni VP Leni Robredo ang natuwa sa pinapakitang kasipagan ni Gab sa pangangampanya:

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

You’re fun to watch Sir Gab, renewable energy talaga! hope the people in there with you ay ma-share ang experience nila today, at hindi makakalimutan ang pangalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa May 9

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sometimes they just want to be heard, so thank you for being there in behalf of VP Leni and Kiko and their tropang angat. God bless your holy work
LSS na ako sobra dyan. Pakinig ko na din yan sa bawat patak ng tubig, ikot ng electric fan, bukas ng pinto… that song is all over me. Galing nyo po sir..

Matatandaang matapos mapagtawanan dahil sa kanyang performance sa isang rally kung saan ginawa niya ang chant, lalong siyang naging usap-usapan. Kinalaunan ay napapakinggan na rin ito sa spotify. Unti-unti ay dumami ang nagkagusto sa ginawang chant na ito ni Gab para sa kampanya nina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Si Jose Angelo Gabriel Pangilinan Valenciano o mas kilala bilang si Gabriel "Gab" Valenciano, ay isang Filipino dancer, actor, musician, host, percussionist, drummer, choreographer, director, at isa ding commercial model. Isa siya mga anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Nakilala siya sa kanyang YouTube videos na "Super Selfie."

Sa naunang ulat ng KAMI, ipinagpasalamat ni Gab ang katatagan at integridad ng kanilang pamilya. Isa lamang si Gab sa mga masusugid na artistang nanganganpamanya sa pamamagitan ng house to house campaign.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel