Toni Fowler at Rob Moya, muling nagkasama sa naka-schedule nang trabaho

Toni Fowler at Rob Moya, muling nagkasama sa naka-schedule nang trabaho

- Tumuloy si Toni Fowler sa isang raket na aniya ay dati pang naka-schedule kahit alam niyang magkikita sila ng kanyang ex na si Rob Moya

- Ito umano ang kanilang muling pagkikita matapos ang video ni Rob kamakailan kung saan nagpropose siya kay Toni

- Ayon naman kay Toni, trabaho lamang iyon at kailangan niyang maging propesyonal lalo at naka-schedule na iyon bago pa sila magkagulo

- Kasama ni Toni sa nasabing taping ang kanyang manliligaw na si Vince Flores na siyang nagmneho para maihatid si Toni

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang naging usap-usapang video kamakailan ni Rob Moya, muli silang nagkasama sa trabaho ni Toni Fowler. Ayon kay Toni, matagal nang naka-schedule ang trabaho nilang iyon bago pa man naganap ang kaguluhan.

Toni Fowler at Rob Moya, muling nagkasama sa naka-schedule nang trabaho
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kapansin-pansin na hindi na pinapansin ni Toni si Rob nang magkasama sila. Kinakausap ni Toni ang iba pang mga kasamahan nila at iniwasan nito ang ex.

Read also

Kim Chiu, handa na umano sa #RenewalOfBash matapos ang kanyang viral tweet

Nang matapos ang taping, ayon kay Toni ay natatawa na lang siya dahil parang hindi na ganoon ka"big deal" sa kanya ang kanilang naging gulo.

Gayunpaman, nagkaroon umano sila ng parinigan at aminado din si Toni na napairap na lamang siya. Kasama ni Toni sa nasabing taping ang kanyang manliligaw na si Vince Flores na siyang nagmneho para maihatid si Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naroon din si Vince nang subukan ni Rob kamakailan na magpaalam kung pwede ba siyang manligaw uli kay Toni dahil alam naman daw niyang wala pa itong karelasyon.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Toni Fowler, nagbahagi siya ng saloobin kaugnay sa ginawa ni Rob Moya

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel