Kim Chiu, handa na umano sa #RenewalOfBash matapos ang kanyang viral tweet

Kim Chiu, handa na umano sa #RenewalOfBash matapos ang kanyang viral tweet

- Muling naging tampulan ng pambabatikos si Kim Chiu matapos niyang magtanong sa pamamagitan ng isang tweet

- Kaugnay ito sa naging tugon ng kampo ni presidential aspiran Bongbong Marcos sa hamon ni Vice President Leni Robredo na mag-debate sila

- Tanong ni Kim, bakit tila ang spokesperson ni BBM ang laging sumasagot, nakikita at humaharap

- Tila naman hindi na gaanong apektado ang aktres sa patutsada sa kanya at nagagawa na nitong magbiro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang panibagong tweet, pabirong sinabi ni Kim Chiu na namiss niya na raw mag-peace sign. Tila hindi na ito gaanong apektado sa mga patutsada sa kanya at nagagawa na nitong magbiro.

Kim Chiu, handa na umano sa #RenewalOfBash matapos ang kanyang viral tweet
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Ani Kim, natanong lamang niya iyon dahil sa kanyang curiousity. Aniya handa na siya sa #RenewalOfBash dahil wala naman daw maayos na sagot sa kanyang tanong.

Read also

Toni Fowler, nagbahagi siya ng saloobin kaugnay sa ginawa ni Rob Moya

Natatawa ako sa mga peepz! Hahahawala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels Bahala kayo magkagulo jan! yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign) - kim chiu

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kasunod ng ikinasang hamon ni VP Leni Robredo ay naglabas ng pahayag ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos sa pamamagitan ng kanyang spokesperson na si Vic Rodriguez.

Dito na nag-tweet si Kim kung saan tinatanong niya kung bakit umano tila ang spokesperson ni BBM ang laging sumasagot, nakikita at humaharap gayong hindi naman umano ito ang tumatakbo. Dagdag pa ni Kim, kagaya sa ibang job application, dapat ang nag-aaply umano ang sumasagot.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Kampo ni Marcos, tinanggihan ang hamon na one-on-one debate ni VP Leni Robredo

Matatandaang ibinahagi ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel