Heart Evangelista, nagpakitang gilas sa pag-debone ng bangus

Heart Evangelista, nagpakitang gilas sa pag-debone ng bangus

- Sa kanyang pagpunta sa Dagupan, napasabak si Heart Evangelista sa pag-alis ng tinik ng bangus

- Makikita sa kanyang ibinahaging video ang kanyang pagsubok na simutin ang tinik ng hawak niyang bangus kahit medyo hirap syang hanapin ang tinik

- Nang matapos niya ang kanyang pag-debone ng bangus ay buong pagmamalaki niyang pinakita ang kanyang gawa

- Marami naman ang sumalubong sa kanya at humingi kung pwede silang makapagpa-picture kasama ang maybahay ni Sorsogon Governor Chiz Escudero

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Instagram stories, binahagi ni Heart Evangelista ang kanyang pagpakitang gilas sa pag-debone ng bangus. Ito ay sa kanyang pagpunta sa Dagupan kung saan kilala ang tinaguriang “World's Tastiest Milkfish."

Heart Evangelista, nagpakitang gilas sa pag-debone ng bangus
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Makikita sa kanyang ibinahaging video sa kanyang IG stories ang kanyang pagsubok na simutin ang tinik ng hawak niyang bangus kahit medyo halatang nahirapan siyang hanapin ang tinik. Nang matapos niya ang kanyang pag-debone ng bangus ay buong pagmamalaki niyang pinakita ang kanyang gawa sa pamamagitan ng pagtaas nito.

Read also

Kris Aquino at mga anak, mahigit isang taon na mamamalagi sa ibang bansa

Mainit naman ang naging pagtanggap sa kanya ng mga tao doon.

Marami din sa kanyang mga tagahanga ang tuwang-tuwa na makadaupang-palad ang kanilang idolo. Hindi din pinagkait ni Heart na mapagbigyan ang kanilang hiling na makapagpa-picture kasama niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin ang iba pang lugar na kanyang pinuntahan para ikampanya ang kanyang asawa.

Naglilibot siya para mangampanya para sa kanyang mister na tumatakbo bilang senador sa darating na halalan sa Mayo 9. Naging mas masigasig ang mga kandidato sa pangangampanya lalo at palapit na nang palapit ang araw ng halalan.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

Dream room makeover ni Francine Diaz, tinupad ni Karen Davila

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis. Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel