Kris Aquino at mga anak, mahigit isang taon na mamamalagi sa ibang bansa

Kris Aquino at mga anak, mahigit isang taon na mamamalagi sa ibang bansa

- Sa isang Instagram post ni Regine Velasquez, binahagi niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga natanggap na regalo para sa kanyang kaarawan

- Sa comment section ay nagpaabot ng kanyang pagbati si Kris Aquino at nagpaliwanag ito na nakatakda silang pumunta sa ibang bansa para sa kanyang pagpapagamot

- Mananatili umano silang mag-iina sa ibang bansa nang mahigit isang taon para sa kanyang pagpapagaling

- Pinasalamatan din niya si Regine at ang mister nitong si Ogie Alcasid dahil palagi umano itong nangangamusta sa kalagayan ni Kris

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang kanyang pagdalo sa Tarlac Leni-Kiko rally, hindi na nakapag-post si Kris Aquino sa kanyang social media accounts. Gayunpaman, sa isang Instagram post ni Regine Velasquez, nagpaabot ng kanyang pagbati si Kris at nagpaliwanag ito na nakatakda silang pumunta sa ibang bansa para sa kanyang pagpapagamot.

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Kris Aquino at mga anak, mahigit isang taon na mamalagi sa ibang bansa
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Aniya, may inihanda siyang "thank you" mula sa kanyang pamilya para sa pamilya ni Regine. Ibinahagi niyang nakatakda silang pumunta sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak at mananatili umano sila doon nang mahigit isang taon para sa kanyang pagpapagamot.

Pinasalamatan din niya si Regine at ang mister nitong si Ogie Alcasid dahil palagi umano itong nangangamusta sa kalagayan ni Kris.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie- honestly i need to ask my sisters if it ever reached you- because alvin (your #1 fan) took care of everything- he’s on leave now because his mom is in the hospital. Mare sorry if my greeting is late- we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako.

Read also

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel