Dream room makeover ni Francine Diaz, tinupad ni Karen Davila

Dream room makeover ni Francine Diaz, tinupad ni Karen Davila

- Sa kanyang bagong video sa kanyang YouTube channel, pinakita ni Karen Davila ang pamimili nila ni Francine Diaz ng gamit para sa kanyang silid

- Dahil kasama ng dalaga ang kanyang dalawang kapatid, pinili niya ang isang double deck na higaan at kanyang sariling higaan

- Matatandaang sa naunang video ni Karen, pinakita ni Francine ang kanyang bahay na nabili para sa kanyang pamilya

- Nakatakda pang ipakita ni Francine ang kalalabasan ng make-over na handog sa kanya ng kanyang ate Karen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Todo-pasalamat si Francine Diaz sa room make-over niya na tinupad ni Karen Davila. Pinakita ni Karen sa kanyang YouTube video ang pagbili ng mga gamit para sa silid ni Francine kasama ang kanyang dalawa pang kapatid.

Dream room makeover ni Francine Diaz, tinupad ni Karen Davila
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Matatandaang puring-puri ni Karen ang dalaga dahil sa ginawa nito para sa kanyang pamilya. Binili niya ng bahay ang kanyang pamilya mula sa kanyang kita sa kanyang trabaho bilang artista.

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Ayon pa kay Karen, deserve niya ang mga blessings na kanyang natatanggap dahil sa kanyang kabaitan.

Dahil kasama ng dalaga ang kanyang dalawa pang mga kapatid, pinili niya ang isang double deck na higaan at kanyang sariling higaan. Bumili din sila ng side table at study table.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatakda pang ipakita ni Francine ang kalalabasan ng make-over na handog sa kanya ng kanyang ate Karen.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Read also

Kris Aquino at mga anak, mahigit isang taon na mamamalagi sa ibang bansa

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Matatandaang naging kotrobersiyal ang picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine. Naging ugat ito ng bangayan sa pagitan ng tagasuporta nina Francine at Andrea kamakailan. May lumabas ding balita tungkol sa umano'y panunugod ni Andrea kay Francine sa dressing room.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel