Ion Perez, bumili ng bagong massage chair para kay Vice Ganda

Ion Perez, bumili ng bagong massage chair para kay Vice Ganda

- Marami ang lalong humanga sa pagiging thoughtful ni Ion Perez sa kanyang partner na si Vice Ganda

- Sa kanyang pinakabagong vlog, pinakita niya ang kanyang pagpili ng regalo na aniya ay naisip niyang ibigay kay Meme

- Aniya, minsan ay umiinit ang ulo ni Vice at gustong magpamasahe kaya niya naisip bilhan ito ng massage chair

- Hindi naman umano mahilig ito manghingi ng materyal na bagay sa kanya ngunit ito na umano ang naisip niyang bilhin para kay Vice

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Ion Perez, naisip niyang bilhan ng massage chair si Vice Ganda dahil kapag umiinit umano ang ulo nito minsan ay gusto niyang magpamasahe. Hindi man ito hiningi ni Vice sa kanya, ito umano ang naisip niyang iregalo kay Vice.

Ion Perez, bumili ng bagong massage chair para kay Vice Ganda
Vice Ganda (@praybeytbenjamin
Source: Instagram

Marami sa mga nakapanood sa vlog ni Ion ay humanga sa pagiging thoughtful nito sa kanyang partner na si Vice Ganda. Sa katunayan ay isa sa trending topic sa Twitter ay ang pangalan ni Ion nang ibahagi niya ang kanyang pinakabagong video na ito sa kanyang YouTube channel.

Read also

Ion Perez, nag-grocery shopping habang suot ang motocross outfit niya

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Tignan nyo dati lang si Vice yunglagi nagbibigay sa mga naging jowa nya ngayun naman sya na binibigyan at nireregaluhan, kahit di naman kailangan ni Vice mga regalo or bagay, pero binibigay paren ni Ion. Sobra nya talaga mahal si Vice. Ngayong may nagmahal na kay Vice ganyan na lalaki, di na tulad dati.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Blessed lang talaga ai Meme Vice kasi he has a good heart at very generous sa family and to everyone
Love this couple. Ion, pakisabi ni meme balik na sya sa Showtime po.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Toni Gonzaga, 'di umano makapaniwalang aso ang nagsalba ng buhay ni Robin Padilla

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel