Ion Perez, nag-grocery shopping habang suot ang motocross outfit niya

Ion Perez, nag-grocery shopping habang suot ang motocross outfit niya

- Kinaaliwan ng netizens ang bagong vlog ni Ion Perez kung saan suot niya ang kanyang motocross outfit

- Sa unang bahagi ng video ay makikita siyang naghahanda na para sumakay sa kanyang motor

- Gayunpaman, nakita siya ni Vice Ganda at sinita dahil sinabi umano ng doktor na hindi muna siya pwede ng physical activities

- Matapos sabihin iyon ni Vice ay itinabi ni Ion ang kanyang motor at sumakay na sa sasakyan dahil mag-grocery shopping na lang daw siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-pansin si Ion Perez sa kanyang pagpunta sa mall habang suot ang kanyang motocross outfit. Sa unang bahagi ng video ay makikita siyang naghahanda na para sumakay sa kanyang motor.

Ion Perez, nag-grocery shopping habang suot ang motocross outfit niya
Vice Ganda (@praybeytbenjamin
Source: Instagram

Gayunpaman, nakita siya ni Vice Ganda at agad pinagsabihan na hindi siya pwedeng sumakay sa motor dahil na rin sa payo ng doktor.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Matapos sabihin iyon ni Vice ay itinabi ni Ion ang kanyang motor at sumakay na sa sasakyan dahil mag-grocery shopping na lang daw siya.

Matapos niyang mamili ay nagbiro pa si Ion na susuotin niya raw ang kanyang outfit sa It's Showtime.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Mapapa "Sana all" ka nalang po kay Kuya Ion. Bangis ng motor mo kuya. Sobrang bait ni Kuya Ion kay Meme. Stay strong po ♥️ Good luck at God bless po. Pa shout narin po kuya Ion. Salamat po
Napakagalang pa din ni Ion,simpleng tao in pa din at humble.Napakalambing pa.
Hahahaha lakas ng trip mo.Ion...dami ko tawa sayo.... keep safe thank u sa pag mamahal na binigay mo kay Vice super swerte talaga

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Vice Ganda, sumakay ng chopper para hindi ma-late sa kanyang trabaho

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel