Vice Ganda, sumakay ng chopper para hindi ma-late sa kanyang trabaho

Vice Ganda, sumakay ng chopper para hindi ma-late sa kanyang trabaho

- Sa kanyang bagong video sa kanyang YouTube channel, pinakita ni Vice Ganda kung gaano siya naging abala sa trabaho

- Pagkatapos ng kanyang trabaho sa 'It's Showtime', mayroon siyang trabaho sa Quezon Province

- Dahil hindi na siya aabot sa kanyang schedule, kinailangan niyang sumakay sa chopper papunta doon

- Marami naman ang bumilib sa pinamalas na dedikasyon at sipag ni Vice ganda pagdating sa kanyang trabaho

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinakita ni Vice Ganda sa kanyang vlog kung gaano siya ka busy sa trabaho. Pagkatapos ng kanyang trabaho sa It's Showtime, kinailangan niyang sumakay sa chopper upang siya ay umabot sa kanyang naka-schedule na raket.

Vice Ganda, sumakay ng chopper para hindi ma-late sa kanyang trabaho
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Muli siyang hinatid ng chopper pabalik para sa kanyang trabaho sa ABS-CBN nang sumunod na araw. Marami ang nakapuna na kahit pagod na ito ay maayos pa rin ang kanyang pakikitungo sa mga taong kanyang nakakasalamuha.

Read also

Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Marami naman ang bumilib sa pinamalas na dedikasyon at sipag ni Vice Ganda pagdating sa kanyang trabaho:

Ang bongga ni meme.24/7 work enjoy life.pero grabe din dedication nya for its showtime ah.ung sobrang pagod sya sa show at biyahe tapos puyat pa hindi nya tinitipid showtime sa energy kht my reason naman sya.bigay 101%..ang bongga lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our hardworking meme Grabe after exhausting show guesting, kahit pagod na pagod si meme, pinagbigyan nya si ate girl na makapagpapicture kasi nakita nyang umiiyak. That's why I really love you, Vice! Meron kang huge heart for your fans and I can really see na napaka-greatful mo for having them.
Dito mo talaga sobrang maaapreciate si Meme Vice yung tipong pagod at antok na antok siya tas biglang naging energetic ng bongga para lang mapasaya tayong mga madlang pips, thankyouuu sooooo much Meme

Read also

Rufa Mae Quinto, trending matapos lumabas ang video ng pagkanta niya ng Firework

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel