Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

- Ibinahagi ni Maxine Medina ang ilang pictures na kuha sa engagement nila ng kanyang non-showbiz boyfriend

- Naganap ang pag-propose ng kanyang boyfriend na si Timmy Llana sa kanilang bakasyon sa Palawan

- Bumuhos ang pagbati para sa dalawa na mahigit tatlong taon nang magkarelasyon

- Maging ang mga kasamahan ni Maxine sa showbiz at kapwa niya beauty queens ay nagpaabot ng kanilang pagbati

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maitago ni Maxine Medina ang kanyang kasiyahan sa kanyang engagement sa kanyang boyfriend na si Timmy Llana.

Naganap ang pag-propose ng kanyang boyfriend na isang Professional Association of Diving Instructors divemaster sa kanilang bakasyon sa Palawan.

Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend
Maxine Medina and Timmy Llana (@maxine_medina)
Source: Instagram

Bumuhos ang pagbati para sa dalawa na mahigit tatlong taon nang magkarelasyon. Maging ang mga kasamahan ni Maxine sa showbiz at kapwa niya beauty queens ay nagpaabot ng kanilang pagbati.

Read also

Rufa Mae Quinto, trending matapos lumabas ang video ng pagkanta niya ng Firework

Kabilang sina Cassy Legaspi, Winwyn Marquez, Ruffa Guttierez, Marco Gumabao, Iza Calzado, Gretchen Fullido, Rayver Cruz, Bianca Manalo, Kaye Abad at RR Enriquez sa mga personalidad na bumati sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Maxine ang close up look sa natanggap niyang engagement ring. Makikita din ang kanilang picture kung saan makikitang masayang nakangiti ang dalawa. Naroroon din ang ilan pang mga kaibigan nila.

Base sa kanyang post, naganap ang proposal sa Club Paradise Palawan.

Matatandaang nitong June 2021 ay nagdiwang ang dalawa ng kanilang ika-tatlong taon. Isang pagbati ang ibinahagi ni Maxine:

“My gosh we made it to 3 whole years and I couldn't be more proud of us! It's so crazy how time can go by and we can grow so much within a day.

Read also

Ivana Alawi, sinali ang kanyang driver sa "One Minute Hakot Challenge"

Si Maria Mika Maxine Perez Medina ay isang actress, model at beauty pageant titleholder na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2016. Siya ang kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2016 pageant at nakuha ang pang anim na pwesto.

Matatandaang isa sa pinakapinag-usapang isyu tungkol sa aktres ay ang lumabas na duraan isyu nina Maxine at Kylie Versoza sa seryeng Los Bastardos. Matatandaang pinagtanggol ni Diane Medina ang kanyang pinsang si Maxine.

Samantala, nakatanggap na din noong 2020 ng promise ring si Maxine mula sa kanyang boyfriend.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel