Ivana Alawi, sinali ang kanyang driver sa "One Minute Hakot Challenge"

Ivana Alawi, sinali ang kanyang driver sa "One Minute Hakot Challenge"

- Marami ang bumilib sa kabutihan ng loob ni Ivana Alawi lalo na sa kanyang bagong vlog

- Sa kanyang bagong video ay binigyan niya ng pagkakataon ang mga taong malapit sa kanya na maghakot ng mga bagay na gusto nilang bilhin sa loob ng isang minuto

- Bukod sa kanyang pamilya ay binigyan niya rin ng pagkakataon ang kanilang driver at ilan pang mga staff

- Maging ang kanyang PA ay tuwang-tuwa sa kanyang nahakot na mga damit mula sa isang store

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling kinabiliban si Ivana Alawi sa kanyang kabutihang loob. ito ay matapos niyang pasalihin sa kanyang 1 minute hakot challenge ang kanyang driver at maging ang kanyang PA.

Ivana Alawi, pinaghakot ang kanyang driver ng mga gusto nitong damit
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Hindi maitago ng kanyang driver ang tuwa nang tanungin siya ni Ivana kung ano ang kanyang gustong hakutin sa loob ng isang minuto. Aniya, kagaya ng karamihan sa kasali sa challenge, damit ang kanyang gusto.

Read also

Ivana Alawi, pinasalamatan ng kapatid ng kanyang sinali sa kanyang hakot challenge

Marami ang bumilib sa ginawang ito ni Ivana:

Yung hakot challenge is family lang ang usapan pero random people nagsama pa sya pati mga driver's, p.a videographer at iba pa sinama nya. Iba yung happiness na nadadala mo saaming mga viewers and subscribers mo ❤️ grabe sobrang bait mo ate ivana nakaka inspired ka sa nakakarami ❤️ more success and blessings to you and to your family.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang galing lahat mag hakot. Ang saya haha... Super galante. Ang magaling sa lahat si Hash and super cute ni Gab, such a sweet kid. I love it the most when he says Thank you and I love you Mamita... With his cute voice...Stay safe u guys!
Sarap talaga manuod ng ganitong challenge, sarap din ma-experience. God bless you more Ivana! Certified beauty with a

Read also

Neri Miranda, hindi nagpatinag sa netizen na nagsabing mayabang siya

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel