Ivana Alawi, pinasalamatan ng kapatid ng kanyang sinali sa kanyang hakot challenge

Ivana Alawi, pinasalamatan ng kapatid ng kanyang sinali sa kanyang hakot challenge

- Isang maswerteng bata ang napili ni Ivana Alawi na sumali sa kanyang 1 minute hakot challenge

- Matapos niyang magpahakot ng mga damit sa kanyang mga kapatid, sa kanyang staff at sa kanyang driver, pumili din siya mula sa mga taong naroroon

- Napiling pasalihin sa kanyang challenge ang batang si Sunny at hindi niya maitago ang kanyang kasiyahan

- Marami naman ang lalong humanga sa ginawang ito ni Ivana dahil sa halip na ibigay na lang niya sa kanyang pamilya ay nagbahagi pa sa ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang-masaya ang maswerteng bata na napili ni Ivana Alawi na sumali sa kanyang 1 minute hakot challenge. Pumili siya mula sa mga viewers na nakita lamang niya sa store kung saan niya ginanap ang kanyang challenge.

Ivana Alawi, pumili ng dalawang tao na sinali niya sa kanyang 1 minute hakot challenge
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Ang kanyang napili ay ang batang si Sunny. Sa kanyang Youtube video ay nagpasalamat ang isang nagpakilalang kapatid ng batang kanyang napili. Aniya, sobrang bait at humble ng buong pamilya nina Ivana.

Read also

Ivana Alawi, sinali ang kanyang driver sa "One Minute Hakot Challenge"

Sister ako ni Sunny and isa lang masasabi ko huhu deserve ni Ivana lahat ng blessings nya kasi super bait nya!! Hindi lang sya but buong fam nila ❤️❤️ Di mo mafifeel na celebrity sila super babait and down to earth. Thank you very much!! More success and blessings to you and to your family

Marami ang lalong humanga sa ginawang ito ni Ivana dahil sa halip na ibigay na lang niya sa kanyang pamilya ay nagbahagi pa ito sa ibang tao:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Whenever Ivana does this, "sharing her blessings" makes me support her even more. Never skip ads, she deserves every blesssing she has.
Sobrang generous na family especially Ivana that's why she and her family are so loved by many Godbless you always Alawi fam

Read also

Chito Miranda, inalmahan ang netizen na nagsabing mayabang sila ni Neri

Hindi lang po mga kasama nyo yung pinasali nyo sa challenge but you also pick from the viewers in the mall. napaka thoughtful nyo po and nakaka inspired

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel