Chito Miranda, inalmahan ang netizen na nagsabing mayabang sila ni Neri

Chito Miranda, inalmahan ang netizen na nagsabing mayabang sila ni Neri

- Hindi pinalampas ni Chito Miranda ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri Miranda

- Ito ay matapos i-post ni Neri ang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair

- Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa

- Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na nakasagot ang isang netizens na bumatikos sa mag-asawang Neri at Chito Miranda. Bukod sa pagsagot ni Chito, marami sa mga netizens ang umalma sa kanyang komento kung saan sinabi niyang mayabang ang mag-asawa.

Chito Miranda, inalmahan ang netizen na nagsabing mayabang sila ni Neri
Chito Miranda at Neri Miranda (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Matatandaang sa kanyang post, pinasalamatan ni Neri ang kanyang mister sa kanyang binigay na regalo na massage chair. Sinabi ng netizen na ito na dahil galing sa hirap kaya laging ipinagyayabang nina Chito at Neri ang lahat ng bagay na kanilang nabibili.

Read also

Judy Ann Santos, ibinahagi ang pang-de-deadma ng bagets na love team

Ani Chito, hindi dapat minamaliit ang mga lumaki sa hirap na naka-angat sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bakit nyo po minamaliit yung mga lumaki sa hirap na naka-angat sa buhay vs sa mga dati nang mayaman? hindi po ba mas nakaka-proud na nakagawa sila ng paraan upang maka-ahon mula sa kahirapan at makatikim ng kaginhawaan compared to those who were simply "privileged" enough to be born into a wealthy family? ❤️ hay naku

Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.

Unfortunately, nandun ka sa mga "nai-inis". So kung nakaka-inis yung mga post ni Neri, unfollow mo nalang sya. Follow mo nalang kung sino ang makakapag-inspire at makakapag-pasaya sayo sa social media. Simple diba?

Read also

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

Si Neri Miranda ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest. Ikinasal siya sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man natuloy ang kanyang pag-aartista, naging matagumpay si Neri sa kanyang pagnenegosyo. Hindi niya ikinahiya ang kanyang pinagmulan bago pa siya sumikat.

Napalago niya ang kanyang negosyo at nakapagpundar ng mga ari-arian. Maging ang kanyang asawang si Chito ay hindi maitago ang pagiging proud nito sa mga na-achieve ng kanyang maybahay na nakilala sa bansag na 'wais na misis' dahil sa pagiging madiskarte nito

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel