Judy Ann Santos, ibinahagi ang pang-de-deadma ng bagets na love team

Judy Ann Santos, ibinahagi ang pang-de-deadma ng bagets na love team

- Nakwento ni Judy Ann Santos ang kanyang karanasan sa umano'y bagets na love team na hindi namansin

- Aniya, hindi naman niya hinihiling na i-respeto ang status niya bilang artista kundi respeto sana umano sa kanila na nakatatanda

- Ani Juday, hindi lang naman siya ang naroroon nang dumaan ang bagets na love team ngunit hindi umano ito namamansin

- Para kina Judy Ann at Meryll, mahalaga umano ang pakikisama sa mga katrabaho maging sa mga nagtatrabaho sa likod ng camera

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa video na binahagi ni Meryll Soriano, naibahagi ni Judy Ann Santos ang kanyang karanasan sa isang love team na aniya ay bagets at medyo kilala. Kahit hindi lang umano siya ang naroroon ay hindi namansin ang bagets na love team.

Judy Ann Santos, ibinahagi ang pang-de-deadma ng baguhang artista
Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday)
Source: Instagram

Hindi na pinangalanan ni Judy Ann ang kanyang tinutukoy na love team ngunit aniya' sana ay nagpakita sila ng respeto sa mga artistang mas nakakatanda sa kanila.

Read also

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

Sumang-ayon naman si Meryll at nagsabing tinuro sa kanila noon kung paano magpakita ng respeto sa mga katrabaho. Para naman kay Juday, kahit sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera ay dapat maging magalang lalo at mas mabigat ang kanilang ginagawang trabaho para mabuo ang mga eksena. Dapat umano magpasalamat ang mga artista sa ibang staff na mas mabigat ang trabaho pero mas mababa ang sahod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging su Meryll ay may naranasan din umano na hindi namansin sa kanya. hindi daw talaga siya pinansin ni Meryll nang ilang taping. Hanggang sa naturuan umano na magpakilala ng sarili ang kanyang tinutukoy na artista.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Kamakailan ay ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel