Neri Miranda, hindi nagpatinag sa netizen na nagsabing mayabang siya

Neri Miranda, hindi nagpatinag sa netizen na nagsabing mayabang siya

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri Naig ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito Miranda

- Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair

- Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang

- Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagpatinag si Neri Miranda sa isang netizen na nagsabing "napakayabang" niya pati na ng mister ni Neri na si Chito Miranda. Ito ay matapos i-post ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister sa regalo nitong massage chair.

Neri Miranda, hindi nagpatinag sa netizen na nagsabing mayabang siya
Chito Miranda at Neri Miranda (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Read also

Alex Gonzaga, nakipagkulitan sa vlogger na si Small Laude

kung ano man ang pinagdadaanan mo, magiging maayos din.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sarkastiko naman ang naging komento ni Chito kung saan sinabihan niya si Neri tungkol sa pag-post nito.

@mrsnerimiranda ang yabang mo neri naig! pinost mo pa yung massage chair na niregalo sayo ng asawa mo! ikaw talaga! dapat wag ka magpost ng mga kinaliligaya mo sa buhay kasi social media account mo yan!

Marami naman sa mga netizens ang sumuporta kay Neri na anila ay inspiring para sa kanila:

Don't worry about your bashers, mas marami kaming naiinspire sa posts mo. I admire you for being wise in handling and making money. You are a hardworking mom and a very determined person. You deserved all the good things that you are enjoying now.
Masaya ko na lagi silang nagpo post ng achievement nila mag asawa kase sila inspiration naming mag asawa Sobrang galing pagdating sa finances lalo na si Neri, I want to be like her someday

Read also

Chesca Garcia, hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak

Hindi po ba pedeng ibinabahagi nya lang ang kasiyahan nya? Para po sa akin di po pagyayabang ang ginawa nya. Kc kung iniyayabang nya talaga dapat lahat po nilalagyan nya ng presyo. Saka anuman po ang ipost nya pinaghirapan naman po nya or nila.

Si Neri Miranda ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest. Ikinasal siya sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man natuloy ang kanyang pag-aartista, naging matagumpay si Neri sa kanyang pagnenegosyo. Hindi niya ikinahiya ang kanyang pinagmulan bago pa siya sumikat.

Napalago niya ang kanyang negosyo at nakapagpundar ng mga ari-arian. Maging ang kanyang asawang si Chito ay hindi maitago ang pagiging proud nito sa mga na-achieve ng kanyang maybahay na nakilala sa bansag na 'wais na misis' dahil sa pagiging madiskarte nito

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel