Chesca Garcia, hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak

Chesca Garcia, hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak

- Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Chesca Garcia ang kanyang IVF journey

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ito ang paraan na giagawa nila upang magkaroon na ng panibagong karagdagan sa kanilang pamilya

- Gayunpaman, ayon sa aktres, tatlong beses nang hindi naging matagumpay ang proseso kaya hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak

- Aminado siyang gusto pa rin niya pero hindi muna niya iyon pagtutonan ng pansin

Matapos ang tatlong beses na pagsubok na magkaroon ng baby sa pamamagitan ng IVF, hindi naging madali kay Chesca Garcia ang kanyang pinagdaanan. Kaya naman, hindi namuna nila ipupursige ang kanilang kagustuhang magkaroon ng panibagong karagdagan sa kanilang pamilya.

Chesca Garcia, hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng anak
Team Kramer (@dougkramer)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kasi ako 'yung nagca-carry eh because in your mind actually, when they put the embryo you are already pregnant, you are just waiting for it to grow and become a baby talaga so I think it's very hard for women who are doing IVF and expecting because you have a two-week wait window. Doon sa two weeks na 'yon, you are hoping that your period will not come. Kapag dumating siya ibig sabihin fail siya,"

Aniya, maging ang kanyang aswa at anak ay naapektuhan din sa tuwing hindi nagiging matagumpay na mabuntis siya.

Naibahagi ni Chesca na ang kanyang bunsong anak na si Gavin ay sumama ang loob dahil sa nangyari. Ayaw umano nitong yakapin ang kanyang mommy matapos malamang hindi siya buntis dahil umasa umano ito.

Pinaliwanag ni Chesca na gusto niya din na mabuntis siya ngunit baka umano ito ang paraan ng Panginoon na maprotektahan siya. Kinalaunan ay nag-sorry si Gavin at nagsabing gusto niya lang daw talaga na maging kuya.

Panuorin ang kabuoan ng pahayag ni Chesca dito:

Ang asawa ni Chesca na si Doug Kramer ay dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association.

Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Nauna nang pinakita ni Doug ang transformation ng condo nila ni Chesca. Kahit pa ang kanilang pamilya ay maituturing na ilan sa mga pinaka successful pagdating sa kanilang mga investment, inamin ni Doug na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel