Alex Gonzaga, nakipagkulitan sa vlogger na si Small Laude

Alex Gonzaga, nakipagkulitan sa vlogger na si Small Laude

- Sa bagong vlog episode ng YouTuber na si Small Laude, nakasama niya si Alex Gonzaga

- Marami umano ang humihiling na magkaroon sila ng collaboration dahil sa kanilang pagkakaparehas umano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Sumabak sila sa What's in the Box Challenge with a Twist kung saan sasagot sa tanong ang hindi makakahula ng mistery item

- Marami ang natuwa sa video na ito ni Small lalo at nakasama niya si Alex na masayahin at palabiro din kagaya niya

Matapos makauwi sa Pilipinas galing sa pamamasyal niya sa Amerika, isang chill vlog umano ang nais gawin ng YouTuber na si Small Laude. Kaya naman nakasama niya si Alex Gonzaga sa kanyang What's in the Box Challenge with a Twist .

Alex Gonzaga, nakipagkulitan sa vlogger na si Small Laude
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

Marami umano ang humiling na mag-collab ang dalawa. Kwento pa ni Alex, sinabi umano ng kanyang ate na parehas sila ni Small. Ginaya pa ni Alex ang kanyang ate at ganun din si Small.

Read also

Chesca Garcia, hindi muna pinupursige ang pagkakaroon ng pang-apat na anak

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanilang challenge, isa-isa nilang hinulaan ang mga mystery item na nilagay sa box. Ang hindi makakahula ay kailangang sumagot sa itatanong sa kanya.

Isa sa naitanong kay Alex ay ang kanyang pinakanakakahiyang experience. Aniya, ito ay isang beses na pumasok siya sa isang store at inakala niyang siya yung kinakausap ng isang tao na naroon.

Marami ang natuwa sa video na ito ni Small lalo at nakasama niya si Alex na masayahin at palabiro din kagaya niya.

My two fave vloggers..Alex made me smile everytime i'm watching her vlog...and small so cute, so kikay and jologs but sossy.
I love you two together ! So cute and lots of humor and lots of fun! I enjoyed this! Smile!
Tagal ko po inantay collab nyo dalawa!! You two are my favorite vloggers, i’m so happy

Read also

Donnalyn Bartolome, na-prank pati ang viewers sa kanyang bagong video

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel