Rufa Mae Quinto, trending matapos lumabas ang video ng pagkanta niya ng Firework

Rufa Mae Quinto, trending matapos lumabas ang video ng pagkanta niya ng Firework

- Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae Quinto

- Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni dating Senator Bongbong Marcos

- Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Sa nag-viral na video, makikita ang bahagi ng pagkanta ni Rufa Mae ng awiting Firework ni Katy Perry

Muling naging usap-usapan si Rufa Mae Quinto matapos mapabilang sa guest performers sa grand rally ni Senator Manny Pacquiao sa Dumaguete. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.

Read also

Angeline Quinto, nginarag ang kasamahan sa kanyang prank

Rufa Mae Quinto, trending matapos lumabas ang video ng pagkanta niya ng Firework
Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto)
Source: Instagram

Matapos ang kanyang magkasunod na performance sa dalawang magkaibang rally, may mga netizens na nambatikos at umakusa sa kay Ruffa May na balimbing umano siya. Gayunpaman, meron ding iba na natuwa sa kanya. May mga nagsabi pang presidential rally tour ang ginagawa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa kanyang viral na video na binahagi ng Inquirerdotnet ang kanyang pagkanta ng awitin ni Katy Perry na Firework. Matatandaang, nag-trending din ang kanyang pangalan matapos ang kanyang performance sa UniTeam rally sa Zamboanga na naganap noong nakaraang linggo lamang.

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Read also

Alex Gonzaga, ginaya ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng Roar

Ilan pa sa kanyang nagawang pelikula ay Apat Dapat, Dapat Apat (2007), Pasukob (2007), Desperadas (2008), Manay Po 2 (2008), I.T.A.L.Y. (2008), Desperadas 2 (2008), atTemptation Island (2011).

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan.

Kamakailan ay ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel