Alex Gonzaga, ginaya ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng Roar

Alex Gonzaga, ginaya ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng Roar

- Agad na umani ng mga reaksiyon at komento ang isang video ni Alex Gonzaga kung saan ginagaya niya ang pagkanta ng kanyang ate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Kinanta niya ang Roar ni Katy Perry na isa sa pinakapinag-uusapan na performance ni Toni Gonzaga sa UniTeam rally

- Makikita din si Toni na natatawa na lamang sa kanyang kapatid habang ginagaya nito pati ang mga galaw ni Toni

- Tumabo sa mahigit 2 million views ang naturang video kung saan sinabi ni Alex na plakado niya ang kanyang kapatid

Kinaaliwan ang paggaya ni Alex Gonzaga sa kanyang ate na si Toni Gonzaga sa pagkanta ng awiting Roar ni Katy Perry. Makikita din si Toni na nakatingin sa kapatid habang kumakanta ito.

Alex Gonzaga, ginaya ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng Roar
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Designer na si Jojo Bragais, may pasaring tungkol sa di pag-acknowledge sa kanya

Umani ng mga reaksiyon at komento ang video na ito ni Alex na tumabo na sa mahigit 2 million views. Sa caption ng naturang video, sinabi pa ni Alex na plakado niya ang kanyang ate. Natatawa na lamang si Toni habang pinapanood ang kapatid.

Ang pagkanta ni Toni ng Roar ay isa sa kanyang mga kinanta sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

I love your energy mareng Alex. Walang down time moment. Keepin the good vibes
Gayang gaya ni Alex yung singing style ni Toni, ang galing mag impersonate!
Ngayon lang natuwa si ate toni sayo ate cath, kase kuhang-kuha mu boses pati galaw. Dati kase lagi mu syang niloloko pag ginagaya mu,, sana soon dalawa na kayo para mas maangas.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Julia Barretto at Claudia Barretto, kinaaliwan sa kanilang "Drink and Spill" episode

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel