Toni Fowler, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen kaugnay sa pagpaparetoke niya

Toni Fowler, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen kaugnay sa pagpaparetoke niya

- Hindi napigilang sumagot ni Toni Fowler sa isang netizen na pumuna sa kanyang kasalukuyang itsura matapos ang kanyang pagpaparetoke

- Diretsahang sinabi ng netizen na hindi naman maganda si Toni matapos ang pagpaparetoke

- Sinabi niya rin na mas maganda ito noong hindi pa nagpaparetoke at nilinaw niyang hindi siya basher

- Sa katunayan ay fan pa nga umano siya ng vlogger kaya nagsasabi lang daw siya ng katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang binahaging picture sa kanyang Facebook page, isang netizen ang diretsahang nagkomento patungkol sa naging resulta ng pagpaparetoke ni Toni Fowler. Sinabi nitong hindi maganda ang kinalabasan ng retoke sa kanya at mas maganda pa daw si Toni noong wala pa siyang pinapabago ang mukha.

Toni Fowler, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen kaugnay sa pagpaparetoke niya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Nilinaw niyang hindi siya basher at sa katunayan ay fan pa nga umano siya ng vlogger kaya nagsasabi lang daw siya ng katotohanan.

Read also

VP Leni sa umano'y advance questions sa CNN debate; "Nagalingan kayo?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi k nmn po gumanda..mas maganda k dti .ung Ang tunay mong Ganda..ndi po ako basher mo..fan mo nga po ako Kya I'm telling the truth po."

Agad namang sinagot ito ng vlogger. Ayon sa kanya, kung totoong fan siya ni Toni, dapat at suportahan na lamang siya nito.

"Kung fan ka talaga.. alam mong unang una palang hindi ko hinihingi opinyon mo. Pangalawa.. suporta ang dapat na ginagawa mo. Hindi side comment. Kung fan ka talaga DAPAT MASAYA KA PARA SAKIN. Di po ako basher mo fb ko to kaya im telling the truth po Haha"

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

VP Leni, may 'resibo' sa pagtatanggal niya ng sapatos; "in the mood lang tayo pumatol"

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel