VP Leni, may 'resibo' sa pagtatanggal niya ng sapatos; "in the mood lang tayo pumatol"

VP Leni, may 'resibo' sa pagtatanggal niya ng sapatos; "in the mood lang tayo pumatol"

- Nag-post si Vice President Leni Robredo patungkol umano sa mga nagkomento sa pagtatanggal niya ng sapatos matapos ang presidential debate

- Pinakita niya ang 'resibo' kung saan noon pa man niya ito nagagawa

- Sinabi niyang maging ang ibang mga kababaihan na hindi sanay na naka-heels nang matagal ay ginagawa rin naman ito

- Aniya nasa mood daw siyang pumatol sa mga nag-piyesta sa larawan niyang siya rin ang nagbahagi

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May matapang na sagot si presidential candidate Leni Robredo patungkol sa mga pumuna ng pagtatanggal niya ng sapatos matapos ang presidential debate kamakailan.

VP Leni, may 'resibo' sa pagtatanggal niya ng sapatos; "in the mood lang tayo pumatol"
VP Leni, may 'resibo' sa pagtatanggal niya ng sapatos; "in the mood lang tayo pumatol" (VP Leni Robredo)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na ito ay ang larawan niyang hawak ang sapatos at may captio na "[A] True leadership is stepping up and showing up... even if it means standing in heels for 3 hours."

Sa socmed post niya ngayong Marso 2 kung saan nasabi niyang masaya ang araw na ito, at nasa mood siyang pumatol, nagpakita rin siya ng resibo na matagal na umano niya itong ginagawa.

"Pinagpipiyestahan pala ng trolls yung pag tanggal ko ng sapatos after the debate. PR stunt daw kasi election,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi naman yun first time. Kahit walang election, ginagawa ko yan pag sumasakit paa ko. Eto resibo. 2016 po ito,"

Sinabi rin niyang marami namang kababaihan ang gumagawa nito lalo na iyong mga hindi sanay na magsuot ng sapatos na may mataas na heels.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Ilan din sa kilalang personalidad na naroon sa Iloilo bilang pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo ay sina Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Lara Quigaman, JK Labajo at Eli Buendia.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel