Video ni VP Leni habang binabasa ang placard na "VP Leni, Shot na!", viral
- Viral ang video ni presidential candidate Leni Robredo kung saan binasa niya ang nakasulat sa isang placard
- "VP Leni, Shot na!" ang nakalagay doon at "Pa-nomo ka naman" o ang ibig sabihin ay magpainom
- Natatawang binasa ng bise presidente ang nakasulat at tinatanong pa sa kanyang mga supporters kung tama ba ang kanyang pagkakabasa
- Mismong si VP Leni ang nagbahagi ng maiksing video na may caption na Shot tayo mga lodi para sa isang gobyernong tapat
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kinagiliwan ng netizens ang maiksing video na naibahagi ni presidential candidate Leni Robredo habang binabasa niya ang placard sa isang campaign rally.
Tila nag-aalinlangan pa ito nang mabasa niya ang nakasulat na "VP Leni, Shot na!" at "Pa-nomo" ka naman at tinatanong pa niya sa kanyang supporters kung tama nga ba ang kanyang pagkakabasa.
Sa caption naman ng kanyang post ukol dito, nailagay niya ang "Shot tayo mga lodi para sa isang gobyernong tapat"
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Ilan din sa kilalang personalidad na naroon sa Iloilo bilang pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo ay sina Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Lara Quigaman, JK Labajo at Ely Buendia.
Source: KAMI.com.gh