VP Leni Robredo, pinasalamatan ang Quezon City sa ginanap na Pink Sunday rally

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang Quezon City sa ginanap na Pink Sunday rally

- Nagpsalamat si Vice President Leni Robredo sa mga dumalo at nag-oraganisa ng Pink Sunday Rally

- Dinagsa ito ng libo-libong suppoters ng Leni-Kiko tandem na pawang mga nakasuot ng kulay pink

- Sinasabing ang iba ay naroon na, 1:00 ng madaling araw ng ngayong Pebrero 13

- Ibinahagi rin ng official Facebook page ng bise presidente ang ilan pang video at mga larawang kuha sa nasabing pagtitipon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang lahat ng nakiisa at dumayo ng Quezon City Memorial Circle para sa Pink Sunday rally ngayong Pebrero 13.

Nalaman ng KAMI na nabalot ng kulay pink ang lugar dahil sa supporters nina VP Leni at Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo naman sa pagka-bise presidente.

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang Quezon City sa Pink Sunday rally
Photo: VP Leni Robredo
Source: Facebook

Sa mismong Facebook page ng bise presidente, ibinahagi niya ang video at larawan ng iba pang mga naging kaganapan sa nasabing pagtitipon isang araw bago ang Valentine's Day.

Read also

Video na kuha sa "Pink Sunday" grand rally sa Quezon Memorial Circle, viral

"Maraming salamat muli sa buong Quezon City, para sa mainit ninyong pagtanggap. Di rin matatawaran ang dedikasyon ng ating volunteers, sa pangunguna ng Kyusi 4 Leni. Ang puso at tiwala na ibinubuhos ninyo ang magpapanalo sa atin sa laban na ito!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan sa mga kilalang personalidad na lumahok at nagtanghal at naging host sa sa rally ay sina Jolina Magdangal, Noel Cabangon, Gab Valenciano, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Pinky Amador, Ryan Cayabyab at The Company.

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Oktubre 7 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Ilan sa mga makakatunggali niya at mahigpit niyang makakatunggali sa pagka-pangulo ay ang apat na nakapanayam ni Jessica Soho sa 'Presidential Interviews' noong Enero 22.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica