VP Leni Robredo, ibinahagi ang lumang video clip ng mister; "My most important endorsement"
- Naibahagi ni presidential aspirant Leni Robredo ang lumang video clip ng kanyang yumaong mister na si JesseRobredo
- Sa maiksing video, nabanggit ng dating DILG Secretary kung paano nagsilbing konsensiya niya ang misis na si Leni sa pagkakaroon ng 'clean political life'
- Nilarawan ni Vice President Robredo ang video bilang "my most important endorsement"
- Aniya, noon lamang niya napanood ang lumang video clip na kuha sa Ramon Magsaysay Awards Foundation
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nag-viral ang lumang video ng yumaong mister ni Vice President Leni Robredo na si Jesse Robredo.
Nalaman ng KAMI na naibahagi mismo ito ni VP Leni matapos itong maipadala sa kanya.
Nilarawan niya itong "My most important endorsement" dahil mapapanood sa video ang pahayag ng dating DILG secretary kung paano sila namuno ng kanyang misis bilang mga public servants.
"My wife, to a large extent, serves as my conscience. We led a clean political life," pahayag ng mister ng bise presidente sa lumang video.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa naturang video rin nabanggit ni Jesse na sana'y napakasalan niya umano ng mas maaga si VP Leni na ang edad ay 22 taong gulang nang kanyang naging misis.
"I got married at the age of 22. Pero noong buhay pa si Jesse, madalas niya sabihin sa akin na sana inasawa niya akong mas maaga. Siyempre bola... Di ko akalain na sinabi niya ito sa isang public interview na ngayon ko lang napanood"
Narito ang kabuuan ng maiksing video na ibinahagi ng bise presidente at kuha sa Ramon Magsaysay Awards Foundation:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga dumalo sa Pink Sunday Rally para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Source: KAMI.com.gh