Toni Fowler, pinakita ang resulta ng pagpaparetoke niya sa kanyang mata

Toni Fowler, pinakita ang resulta ng pagpaparetoke niya sa kanyang mata

- Ibinahagi ni Toni Fowler na muli siyang sumailalim sa isang cosmetic procedure na aniya ay nonsurgical

- Pinabago niya ang hugis ng kanyang mata upang ma-achieve niya ang gusto niyang fox eyes

- Ayon kay Toni, may mga nagsasabi sa kanya na nasobrahan na siya ng pagpaparetoke ngunit aniya ay naniniwala siyang dapat niyang gawin ang nagpapasaya sa kanya

- Hiniling niya rin na sana ay maging masaya na lang ang kanyang mga supporters para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang panibagong vlog, pinakita ni Toni Fowler ang resulta ng kanyang pagpaparetoke. Pinabago niya ang hugis ng kanyang mata upang ma-achieve niya ang gusto niyang fox eyes.

Toni Fowler, pinakita ang resulta ng pagpaparetoke niya sa kanyang mata
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Pinakita niya rin ang ginawa sa kanyang nonsurgical procedure. Bukod sa kanyang pagpaparetoke sa kanyang mata, nagpalagay din siya ng lip fillers.

Ayon kay Toni, may mga nagsasabi sa kanya na nasobrahan na siya ng pagpaparetoke ngunit aniya ay naniniwala siyang dapat niyang gawin ang nagpapasaya sa kanya dahil buhay naman niya iyon at siya dapat ang masunod pagdating sa pagpapatakbo ng kanyang buhay.

Read also

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Hiniling niya rin na sana ay maging masaya na lang ang kanyang mga supporters para sa kanya kagaya ng kanyang anak na si Tyronia na nagsabing masaya siya para sa kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng ilan sa kanyang mga viewers:

Mami.. I think that's enough.. you're always beautiful. But whatever makes you happy, we're always here to support you! Stay safe Toro Fam
Yes! mameh we're happy especially if ikaw nmn sa self mo alam mo yung ginagawa mo... Do what makes u masaya dto lang kmi to support you
Nandito lang kaming mga fans mo mommy oni laging nakasuporta sa lahat ng bagay na ikakasaya mo.Mahal namin kayong lahat sa toro family.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

AJ Raval, hinamon ang kanyang mga bashers na mag-comment sa kanyang post

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel