Carla Abellana, pinasalamatan ang bestfriend para sa kanyang bonggang wedding cake

Carla Abellana, pinasalamatan ang bestfriend para sa kanyang bonggang wedding cake

- Matapos ang mahigit isang linggo matapos siyang ikasal kay Tom Rodriguez, ibinahagi ni Carla Abellana ang ilan sa mga detalye ng kanilang kasal at ang mga taong kanyang gustong pasalamatan

- Para sa kanyang napakabonggang wedding cake, ibinahagi ni Carla na ang kanyang bestfriend ang isa sa kanyang pinasasalamatan

- Aniya, kahit naninrahan na siya sa Sydney, natupad pa rin umano ng bestfriend ang pangakong siya ang gagawa ng kanyang wedding cake

- Ayon kay Carla, ipinadala pa mula Sydney ang mga toppers at iba pang detalye ng kanilang cake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit isang linggo matapos ikasal, isa-isang pinasalamatan ni Carla Abellana ang mga taong naging bahagi ng kanilang kasal ni Tom Rodgriguez. Kabilang na sa kanyang pinaalamatan ay ang kanyang bestfriend na sa Sydney na naninirahan.

Carla Abellana, ibinahaging bestfriend niya ang gumawa ng kanyang wedding cake
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Natupad pa rin nito ang pangakong siya ang gagawa ng wedding cake ni Carla. Siya at ang partner umano nito ang gumawa ng details ng kanyang cake at pati na ang mga toppers.

Read also

Elisse Joson sa pagbubuntis niya kay baby Felize: "I am also scared"

Pinasalamatan din ni Carla ang mismong gumawa ng cake.

Despite having migrated to Sydney years earlier, we still managed to fulfill our promise to each other that @chefmikoaspiras would make my Wedding Cake.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang bestfriend niya pala ang dapat sana ay Man of Honor niya ngunit hindi na ito nakauwi dahil sa pandemic.

Miko was supposed to be my Man of Honor. However, due to this pandemic’s constraints, he wasn’t able to leave work to fly to Manila for our Wedding. Nevertheless, he made sure to follow through.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si ‎Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na Rosalinda noong taong 2009.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel