Rica Peralejo, binahagi kung paano pinaalala sa kanya ang tinalikurang nakaraan

- Sa isang panayam ni Toni Gonzaga kay Rica Peralejo, ikinuwento ni Rica ang kanyang mga pinagdaanan kung paano niya napagpasyahang iwan ang pag-aartista

- Naibahagi ni Rica na habang nasa proseso siya ng kanyang pagbabagong buhay ay mayroong kumwestiyon sa kanya at nagpaalala ng kanyang nakaraan

- Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para kay Rica na i-tuloy-tuloy ang pagbabagong gusto niyang isabuhay

- Hindi umano naging madali ang kanyang pinagdaanan ngunit sa tulong ng Panginoon ay mas naging masaya siya sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ni Rica Peralejo ang tungkol sa ilang bagay na kanyang pinagdaanan bago mapagpasyahang tuluyan nang iwan ang mundo ng showbiz.

Sa isang episode ng online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks, muling binalikan ni Rica ang mga panahong nagtatrabaho siya para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

Kwento pa ni Rica, maraming beses siyang naanyayahan noon na pumunta sa mga bible study ngunit iniwasan niya umano ito.

Binahagi pa ni Rica na si Sam Milby ang naging daan para mapunta siya sa simbahan. Niyaya siya nito at doon niya narinig ang kento ng bleeding woman na nagkaroon ng malaking epekto sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinatakot umano ni Rica nang talikuran niya ang showbiz dahil nangamba siya kung paano na ang kanyang pamilya na kanyang sinuportahan simula nang mag-artista siya.

Hindi umano naging madali ang kanyang pagbabagong buhay. Inalala niya na isa sa kakilala niya ang nagpaalala sa kanya tungkol sa kanyang nakaraan.

Ito ay matapos nilang ipaalam na hindi sila nagki-kiss ng asawa niya bago sila ikasal dahil iniiwasan nilang maging daan iyon sa paggawa ng bagay na hindi nila gustong gawin habang hindi pa sila ikinakasal.

China Roces, pinayuhan si Jelai Andres kaugnay sa pinagdadaanan nito

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagsimula si Rica Peralejo sa pag-aartista sa pamamagitan ng Ang TV. Naging bahagi din siya ng Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Kamakailan ay inamin ni Rica na hindi original ang bag na kanyang ginagamit. Dahil dito ay umani ng pambabatikos ang dating aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news