Juday, nasaktan nang magtanong si Yohan tungkol sa tunay nitong mga magulang

Juday, nasaktan nang magtanong si Yohan tungkol sa tunay nitong mga magulang

- Kahit noong bata pa umano ang anak ni Judy Ann Santos na si Yohan Agoncillo, na-unti-unti nang nasabi ni Juday ang tungkol sa tunay na pagkatao nito

- Gayunpaman, nilinaw ni Juday na hindi man siya galing sa kanyang sinapupunan, galing siya sa kanyang puso

- Siya umano ang katuparan ng hiniling ni Juday sa Panginoon na magkaanak siya sa edad na 26

- Gayunpaman, inamin din ni Judy Ann na nasaktan siya nang dumating sa puntong mismong kanyang tunay na magulang na ang tinatanong ni Yohann

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ng writer ng ABS-CBN na si G3 San Diego kay Judy Ann Santos, ikinuwento nito ang kanyang naging paraan kung paanong protektahan ang panganay na anak na masaktan tungkol sa tunay nitong pagkatao.

Juday, nasaktan nang magtanong si Yohan tungkol sa tunay nitong mga magulang
Yohan Agoncillo and Judy Ann Santos (@officialjuday)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

Bata pa lamang umano ito ay pinaalam na ni Juday na adopted siya. Nais umano baguhin ni Juday ang negatibong konotasyon sa salitang adopted dahil para sa kanya, ang ibig sabihin niyon ay "because I want you to be part of my life."

Dumating na rin umano sa puntong nagtanong na si Yohan tungkol sa kanyang mga tunay na magulang at aminado ang aktres na hindi madali para sa kanya iyon.

“Siyempre, habang sinasabi ko ‘yun, para ‘kong sinasakal. Parang pinipiga ang puso ko. But that’s her right.”

Gayunpaman, pinapaalalahanan daw ni Juday ang anak na huwag magtanim ng galit sa mga tunay nitong mga magulang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Read also

Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel