Misis, may BF na dahil daw sa kapabayaan ni mister nang malagay siya sa panganib

Misis, may BF na dahil daw sa kapabayaan ni mister nang malagay siya sa panganib

- Labis na sama ng loob daw ang nagtulak sa ginang para tuluyan nang kalimutan ang asawa

- Nang minsan daw kasi siyang malagay sa panganib ay deadma lamang si mister sa kanya

- Kaya naman handa na raw makulong ang ginang kaysa ang makipagbalikan kay mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na sama ng loob na ang nagtulak sa ginang na si Mary Ann Anore para tuluyan nang wakasan ang ugnayan sa kanyang asawang si Edmundo.

Kwento ni misis, minsan daw siyang binigyan ng pagkain ng mister na muntik pa umano niyang ikamatay.

Ngunit habang siya ay naghihirap ay deadma lamang daw si mister at ang kapitbahay pa nila ang siyang tumulong sa kanya.

Giit naman ni mister, hindi niya pinabayaan ang asawa at binigyan ito ng first aid.

Pero ayon naman kay Raffy Tulfo, na siyang nilapitan ni Edmundo para makausap ang misis, hindi raw dapat na hinayaan ni mister na ibang tao pa ang tumulong sa kanyang asawa.

Posible raw kasi na naging dahilan ito para sumama ang loob ni Mary Ann at natanim ito sa isipan ng ginang na naging ugat ng pagloloko nito.

Ngunit hindi rin naman daw dapat na nakipagrelasyon ang ginang sa iba habang kasal pa ito kay Edmundo.

Sabi naman ni mister, handa siyang tanggapin ang asawa alang-alang sa kanilang pamilya.

Pero si misis, mas pipiliin pa raw na makulong kaysa makisamang muli sa mister.

Nakatakda namang magharap ang dalawa sa tanggapan ng TV5 upang pag-usapan ang kanilang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel