Matapang na kabit na minumura ang legal wife, tiklop kay Idol Raffy

Matapang na kabit na minumura ang legal wife, tiklop kay Idol Raffy

- Nagpasaklolo na ang isang misis kay Raffy Tulfo dahil sa panloloko ng kanyang asawa

- Matapang pa raw kasi ang kabit na nakuha pa siyang murahin at bantaan

- Ngunit nang sinubukan nang kapanayamin ni Idol Raffy ang babae, "hello" lamang ang nasabi nito sa telepono at di na nakipag-usap

- Dala ng misis ang matitibay niyang ebidensya sa garapalang panloloko di umano sa kanya ng kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na ang misis na si Menita Rodriguez sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa matinding panloloko sa kanya ng mister niyang si Randy Rodriguez.

Nalaman ng KAMI na matapang pa ang kabit di umano ni Randy na si Analiza dahil nakukuha pa nitong murahin at bantaan si Menita.

May mga katibayan ang legal wife na mga screenshots ng palitan nila ng text ng babae na grabe ang mga masasakit na salitang binitawan sa kanya.

Bukod pa rito, matapang pa umanong kumuha ang dalawa ng mga larawan at ang masaklap, maging ang posisyon na kanilang nagagawa pag sila'y nagsisiping.

Ang lahat daw ng ito ay nakuha ng mga anak nina Menita at Randy na nasa wastong gulang na.

Ngunit nang sinubukan nang kapanayamin ni Idol Raffy ang babae, tanging "hello" lamang ang nasabi nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At mas lalo na itong di nagsalita nang makinig ang boses ni Menita.

Ayon naman kay Randy, lagi raw mainit ng ulo ng misis kaya naman di nila napapag-usapan ng maayos ang kanilang problema.

Paliwanag naman ni Menita, di na raw niya mapigilan ang galit na kanyang nararamdaman dahil taon na ang binibilang ng panloloko sa kanya ng kanyang mister.

Tinitiis na lamang daw niya ito na makasama para lamang daw sa kanilang mga anak.

Dahil sa kasukdulan na ang mga pangyayari, magkakaroon na ng kasulatan ang dalawa sa barangay sa kung anuman ang mapapagkasunduan nila at nais mangyari sa kanilang buhay mag-asawa.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel