21-anyos, nasawi dahil sa abnornal heartbeat matapos ang ROTC training

21-anyos, nasawi dahil sa abnornal heartbeat matapos ang ROTC training

-Nasawi ang isang 21-anyos na estudyante sa Zamboanga del Sur noong Sabado matapos itong sumalang sa ROTC training

-Ayon sa ulat, lumalabas na dahil sa abnormal na heartbeat kaya ito namatay

-Hindi naman makapaniwala ang ina nito dahil malusog daw ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil umano sa abnormal na heartbeat kung kaya nasawi ang 21-anyos na estudyante sa Zamboanga del Sur nito lamang Sabado.

Kinilala itong si Roel Sedenio at estudyante sa Josefina H. Cerilles State College sa Pagadian City.

Batay sa ulat ng RMN, nahimatay si Sedenio pagkatapos ng kanilang training sa ROTC ayon sa kwento ng co-officers nito.

Nagkaroon din daw ng seizures ang binata na naging dahilan umano ng pagkamatay nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa mga doktor sa Zamboanga del Sur Medical Center, dahil ito sa abnormal heartbeat o cardiac dysrthmia na nagdulot ng pulmonary congestion.

Hindi naman makapaniwala ang ina nito na si Julita Sedenio sa biglaang pagpanaw ng kanyang anak.

Malusog daw ang kanyang anak, sabi nito sa panayam dito ng CNN.

Una nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagnanais na maibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Grade 11 at 12.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel