Valedictory speech ng isang "summa cumlaude", inulan ng batikos

Valedictory speech ng isang "summa cumlaude", inulan ng batikos

- Usap-usapan ngayon ang valedictory speech ng summa cumlaude ng Far Eastern University na si Hazeline Panganiban

- Nabanggit niya kasing napatawad na niya ang pumaslang sa kanyang ina at dapat lamang bigyan ng pagkakataon ang mga kriminal na magbago

- Dahil dito, may ilang netizens ang nagsasabing di nito mahal ang kanyang ina bagkus, mas binigyang halaga pa nito ang buhay ng kriminal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Imbis na hangaan, nabatikos pa ang valedictory speech ng summa cumlaude ng Far Eastern University na si Hazeline Panganiban.

Halos umikot kasi ang kanyang talumpati sa kung paano niya dinala ang sakit at pighati ng kanyang ina na pinaslang, walong taon na nakakaraan.

Binahagi muli ng Rappler ang buong konteksto ng speech ni Hazel.

Dito, nalaman ng KAMI na mahirap para sa kay Hazel ang pagkawala ng ina dahil ito ang nag-uudyok sa kanya na mag-aral ng mabuti. Hindi na raw niya kasi maibabalik pa ang oras kung saan masaya niyang maipapakita sa ina ang ”flat one” niyang grades.

Marami pa siyang masasayang alaala ngunit sa kabila nito, nagawa pa rin daw niyang patawarin ang hired killer na pumatay sa kanyang ina.

Para raw kasi kay Hazel, nararapat lamang daw na bigyan ng pagkakataong magbago ang taong gumawa ng krimen sa kanyang nanay.

Gaya na lamang daw ng mga nangyayari sa bansa ngayon. Imbis na paghihiganti at pagpaslang din sa taong gumawa ng krimen, bakit di na lamang daw pagtuunan ng pansin ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga kaguluhan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naniniwala rin siya na ang kabataan ngayon ang magsilbing instrumento ng pagbabago. Pagbabago na gaya ng kanyang pananaw, bigyan pa rin di umano ng karapatang mabuhay at magbago ang mgataong taong nagkasala sa batas.

Dahil dito, naging kontrobersyal ang speech na ito ni Hazel at umani ng iba't ibang reaksyon na karamihan at pambabatikos mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Let us not judge other people's perspective in life base on our own perspectives. What is not believable for you can be real for other people. Respect or mind your own beliefs"
"Hinde porket cumloude ka na eh tama na lahat ng sasabihin at pinaniniwalaan mo tandaan mo rin na hinde lahat ng bagay eh sa school lang natutunan"
"you don't love your mom, you loved the criminal"
"Unforgiveness is like drinking poison and expecting the person you hate to die. Let God do the justice, and allow Him to set yourself free from consuming hatred."
"Pa effect lang yan parabpurihin pero sa kaloob looban nyan galit ang nasa puso..plastic plastican lang yan artistathin.."
"She is one enlightened,admirable young woman.Hats off to you .."
"Pwedeng magpatawad pero dapat panagutan ang ginawang kasalanan"
"you can never forgive someone who took your loved ones life. Never."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica