Raffy Tulfo, pinagbabayad di umano ng may-ari ng piggery na ipasasara ng programa

Raffy Tulfo, pinagbabayad di umano ng may-ari ng piggery na ipasasara ng programa

- Lakas loob na sinagot ni Marcelita Tolentino, may ari ng piggery na bayaran umano ni Raffy Tulfo ang negosyong ipasasara nito

- Nireklamo ang piggery na may napakabahong amoy at nasa likod bahay lamang ng may-ari

- Matapang ang may-ari na bago pa ibaba ni Raffy Tulfo ang telepono, nasabi pa nitong wala siyan pakialam sa sinasabi ng host ng programang Raffy Tulfo in Action

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ginang ang nagbiyahe pa mula Quirino patungong Maynila upang ireklamo ang kanilang kapitbahay na may piggery.

Sa panayam kay Vilejane Guillermo na siyang complainant, isang taon ang tiniis nila sa napakabahonh amoy ng piggery ng kanilang kapitbahay.

Sinubukan na umano nila kasi itong idulog sa kanilang barangay ngunit wala raw itong nagawang karampatang aksyon.

Bawal di umano ang ginawang pag-aalaga ng baboy ng kapitbahay na nakilalang si Marcelita Tolentino na tinatayang nasa 11 hanggang 20 na baboya ng alaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasa residential na lugar sila at maiintindihan niya kung isa o dalawang baboy lamang ang alaga nito.

Isa pa, nagkakasakit na ring ang mga anak ni Vilejane dahil sa napakabahong amoy ng piggery.

Marami na raw talagang nagrereklamo sa piggery na ito ngunit siya lamang daw ang nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta pa sa programa ni Raffy Tulfo upang maaksyunan ang nakababahala nilang kalagayan.

Nagkakasakit na rin daw sa baga ang mga anak ni Vilejane kaya naman di na siya nagdalawang isip na ireklamo ang piggery.

Nagdesisyon na ang host ng progrma na papuntahan sa kanilang team ang lugar ng piggery sa Bataan. Sinabi niya ito sa may-ari na ang nasabi na lamang ay "nakakatawa naman po ata kayo."

Pinagbigay alam din ni Raffy na maaring magsara ang kanilang piggery kung madatnan pa ito ng grupo.

Matapang na sumagot ang may-ari at sinabing wkla raw problema sa kanya ang pagsasara, basta lamang daw bayaran ito Raffy.

Bago pa man ibaba ng host ang telepono, nabanggit pa nitong wala na raw siyang pakialam sa sinasbi ng Raffy.

Nang sadyain ang mismog lugar ng piggery, wala na roon ang mga baboy ngunit bakas pa rin ang masangsang na amoy.

Waala rin ang may-ari na si Marcelita at asawa lang niya ang naabutan ng kapitan, DENR ng lugar na siyang kasama ng complainant at grupo ni Raffy Tulfo.

Bago pa man magkaaregluhan ay bahagya pang nagkasagutan ang complainant at asawa ng may-ari ng piggery.

Sa huli, nagkaayos na ang dalawa at naglagay na ng "notice to the public" signage ang DENR at tuluyan nang naipasara ang naturang piggery.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel