22 taong gulang na OFW, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng dalawang taon

22 taong gulang na OFW, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng dalawang taon

- Proud ang OFW Pinay na si Jhoy Atido na sa kanyang edad na 22, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay

- Dugo’t pawis daw talaga ang pinuhunan niya upang matupad ang pangarap niya sa pagkakaroon ng sarili niyang bahay

- Aminado si Jhoy na di naging madali ang kanyang mga dinanas upang maabot ang pangarap sa pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang naisakatuparang ng isang Pinay ang pangarap niya para sa kanyang pamilya na pagkakaroon ng matatawag nilang sariling tahanan.

Ayon kay Jhoy, masasabi niyang sumugal talaga siya sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ito rin kasi ang unang pagkakataon na nawalay siya sa kanyang pamilya.

Tapang at lakas ng loob ang baon ng OFW na ito na aminadong di nakatungtong ng kolehiyo.

Matinding dasalan din ang ginawa ni Jhoy at di naman daw siya binigo ng Panginoon dahil sa kabila ng naramdamang hirap at lumbay sa Saudi, nagawa naman niyang tuparin ang dati lamang niyang pinangarap.

22 taong gulang na OFW, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng dalawang taon
source: supplied
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng nakak-inspire na kwento na binahagi ni Jhoy sa KAMI:

"GustO ku dn pong eh share at eh kwento ang aking pag tupad sa aking mga pangarap .
nangarap nag sigap nag pursige nag tiis lumaban at pananampalata .nag abroad para matupad ang mga pangarap . Bta paLang nangarap na di Lng para skn kundi pati dn sa pamiLya ko . Pangarap na magkaroOn nang sapat na bhay yung tipong pag umuulan di na kailangan nang palanggana di na kailangan gumising at mag hanap nang pwesto na di ma babasa yung d na kailangan takpan nang sako at kurtina para di ka makikita sa loOb .yung di na kailangan magdumi sa ilog or tubuhan .yung tipung di man mansion ang bhay bsta mi sapat na matitirhan ayus na .pero lagi kung tinatanung panu panu kami makakabhay eh mahrap kami n ndi nga aku naka tongtong sa college ..kung dto lng sa pinas bka puputi nalang ang uwak wala padn akung maitayong alige .. Pero dahl nga sa mga pangarap na yun. Naging matapang aku at patuloy na lalaban .. Sa idad kung 21yearsoLd naki pag sapalaran aku nag dcision na mangibang bnsa ..
22 taong gulang na OFW, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng dalawang taon
source: supplied
Source: Facebook

At bago nga aku mag 22 .naka lipad aku papuntang saudi .October 21 2015 dumating aku dto .sa eroplano palang sabi ku kaya ku bato anu kaya madadatnan ku ? Sswertehn kaya aku sa amu madaming tanung saisip ku na di masagot sagot .pero thanks to God dahl di naman aku na bigo naka tagpo dn nang mabuting amu ..amung mi pinag aralan .(im blessed for short) .4months n aku dto then dahl nga knekwento ku sa amu ku yung life story ku .she ask me at nag opear kung gusto ku mag advnce para paayos ang bhay symfre d na dn aku nag pa ligoy.2 pagkakataon kuna .d kuna inicp na oi teka bgo palang aku dto tama ba to magigng ok ba aku dto .d kuna incp bsta ang alam ku anjan ang dios na gumagaby skn bka ito na ang pinadala nia para tumulong sa mga pangarap ko .kaya feb 2015 nag simula na aku mag ptayo bago aku mag 4months . Then march 2015 naka tayo na nga ang pangarap ko . Di dn naman aku nabigo tamang tama bago aku nag 1year naka pag vacation aku .then pag blik ku dto na aku sa nanay nang amu ko .dto na dn nag simula ang tinatawag na totoOng laban nang isang OFW dto ku naranasan yung party here party there party everywhere istaraha istaraha 5am 8am ang uwian tipung para kang badjao lagi .pag walang party kuskus tudo sa bhay kuskus sa bhay nang mga anak kaibgan etc' punta dto punta doOn lnis linis tipung d kapa tapus sa isang bhay tawagn kananaman sa kbla saklap pa napaka perfectong tao nang amu mu d tumatanggap nang mali away ngayun away mamaya minsan matutlug ka kun saan saang bhay kung kailan ka kailangan tsaka kalang susunduin pg naiwan aku sa mga anak n tanda limang anak nia pinag pasa pasahan ka na parang bulang badjao tapus minsan kaht shukaran d man lng maibgay sayo. Pero kaht ganun thanks to God swerte ku padn dahl kaht papanu nver akung sinisgawan nang amu ko nver akung sinaktan at dinamutan nang pagkain . Na pag tanto ku na cguro ganun talaga .lahat nang magigng sayo lahat nang matanggap mu dapat mung pag hirapan dahl lahat nang bagay masarap matamasa pag galing sa pinag paguran .proud dn aku sa sarili ku dahl saidad kung 22yearsold naka pag patayo aku nang bhay ngayun 24 na yan na bhay namin na tupad na salamat ki mama at papa na tumulong dn sa pangarap namin yung d aku magawang lukuhn ,dahl ang bhay na yan d lng akn ang pangarap na yan ,pangarap dn nlang mag asawa kaming magkakapatid .. Sarap sa pakiramdam na makikita mu clang masaya .. Hanggang dto nalang bha na nang checka ku hehe

22 taong gulang na OFW, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng dalawang taon
source: supplied
Source: Facebook

PS: 2years ku po yan na sahud 'im single kaya lahat nang sahud ku jan napupunta. D lang bhay naipundar ku kundi pati na mga gamit nd pangarap dn namin
Nangarap nag sikap nagtiis nanalig .nag tagumpay sa pangarap . thankyou papa God somuch tell nOw d padn aku maka paniwala from sirasira na bhay to simento"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica