Netizens, naimbiyerna sa inasta ni Sheerlyn Gerasta sa muli nilang paghaharap ng asawa
- Isa sa naging kaabang-abang para sa mga netizens ang muling paghaharap ng OFW at kanyang asawang tricycle driver
- Umani ng batikos mula sa netizens ang diumano'y ginawa ni Sheerlyn Gerasta na pag-iwan sa kanyang pamilya
- Ayon naman sa mga netizens, tila nag-iinarte lang ito nang maglulugpasay sa kakaiyak at magwala
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tila isang eksena sa isang pelikula ang muling paghaharap ng OFW na si Gerlyn Gerasta at kanyang asawang si Charlie Lozada sa part 4 na video na ibinahagi sa Youtube channel na Raffy Tulfo in Action.
Naging mainit ang mga tagpo na kahit ang mga social worker ay kinailangang alalayan si Sheerlyn na sobra ang iyak at humihiyaw dahil sa galit at paghihinagpis sa asawa na ayon sa kanya ay nagpahiya sa kanya.
Naging hati naman ang naging reaksiyon ng netizens sa nasabing tagpo. May mga lalong naasar dahil sa diumano'y OA na pag-iyak at acting ni Sheerlyn.
Marami din ang hindi sumang-ayon sa ginawang pag-aalo sa kanya habang naghuhumiyaw ito ng kakaiyak.
May mga naawa din sa kanya dahil sa kanyang pinagdadaanan diumano ngayon.
Ngunit pagkatapos naman nito ay may kiligang naganap sa mag-asawa sa harap ng mga taong tumulong sa dalawa at mga anak nila. Maka-ilang beses ding nagtagumpay na mapa-ngiti ni Charlie ang asawang si Sheerlyn sa pamamagitan ng kanyang mga banat
Ilang beses din nitong tinawag na "bes" ang dating asawa. Napatawa rin ni Charlie si Sherlyn nang biruin nitong tanungin kung babalik pa ba ito sa kanya. Maging sa mga taong kasama nila sa kwartong iyon ay hindi napigilang matuwa sa mga eksenang nasaksihan sa pagitan ng mag-asawang nagkaroon ng 'di pagkaka-intindihan. Sa huli, nagkasundo naman ang mga ito na dalhin ni Sheerlyn ang isa sa kanilang anak sa General Santos sa kondisyong ibabalik rin ito. Mababasa ang kwentong ito sa naunang ulat ng KAMI dito.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
"
Source: KAMI.com.gh