Nakakahinayang! Dream honeymoon sa Maldives na nauwi sa trahedya

Nakakahinayang! Dream honeymoon sa Maldives na nauwi sa trahedya

-Isang nakakalungkot na balita ang bumungad sa bansa noong Lunes nang ipaalam ng DFA ang pagkalunod ng bagong kasal na sila Leomer at Erika Joyce Lagradilla

-Ikinasal ang dalawa noong December 18 ng nakaraang taon at bumiyahe patungo sa Maldives noong January 9, 2019 para sa kanilang honeymoon

-Ayon sa ulat, unang nalunod si Leomer at sinubukang iligtas ng misis na si Erika ngunit maging ito ay nalunod na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsisimula pa lamang bilang mag-asawa ang bagong kasal na sila Leomer at Erika Joyce Lagradilla ngunit tinapos ito ng isang trahedya sa araw pa ng kanilang honeymoon.

Parehong overseas Filipino worker ang dalawa at tiniis ang matagal na pagkakalayo sa isa't-isa hanggang sa matupad na ang kanilang mga pangarap.

Araw ng Lunes, ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang malungkot na balita ng pagkalunod ng dalawa sa Maldives kung saan sila nag-honeymoon.

Ayon sa report ng hotel na tinutuluyan ng mga ito, nangyari ang insidente habang sila ay nag-snorkeling.

Agad naman daw silang pinuntahan ng mga rescuer ngunit idineklarang dead on arrival ang dalawa.

Una umanong nalunod si Leomer at sinubukan pang iligtas ni Erika ang asawa ngunit maging ito ay nalunod rin.

Sa panayam ng programang Unang Hirit sa kapatid ni Leomer na si Mhapolle Lagradilla, dream honeymoon ng dalawa ang pagpunta sa Maldives.

Nagulat na lamang daw sila nang malaman na papunta na ang mga ito doon noong ika-9 ng January.

Sabado ng umaga nang huli silang makatanggap ng mensahe mula sa dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinumpirma na rin daw sa kanila ng isang pinsan na naroon din sa bansang Maldives na ang mag-asawa nga ang mga labing nakita.

Kasalukuyang nasa isang morge sa Dhiffushi island ang mga labi nila. At hindi pa umano buo ang detalye na naibigay sa kanila ng hotel.

Sa pamamagitan ng isang fundraising na ginawa ng mga kaibigan ng mag-asawa, humiling ng tulong ang mga ito sapagkat nangangailangan ng P1.2 million para maiuwi ang mga labi sa Pinas.

Ngunit ngayong Martes lamang, pagkatapos ng pakikipag-usap ng pamilya ng dalawa sa DFA, ipinabatid ng ahensya na sasagutin na ng gobyerno ang pagpapauwi sa mga labi.

Siniguro na rin ng DFA ang agarang aksyon para maiuwi na sa pamilya ang mga labi ng yumaong mag-asawa.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ng mag-asawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel